AMANDA TAHIMIK lang ako habang kinakaladkad ni Thad papasok sa villa niya. Unang beses kong pumasok dito at maganda ang villa niya. Nakamata lang sa amin ang mga tauhan niya habang paakyat kami sa... Kuwarto niya? Jeez! Hinila niya ako papasok at ini-lock ang pinto pagkatapos ay hinila niya ako ulit papasok sa banyo niya. Mas malaki pa yata ang banyo niya kaysa sa banyo ko. Nakapamaywang akong humarap sa kanya. "Maligo ka!" galit niyang utos sa akin. "And why?" taas kilay kong sagot at inirapan siya. "Ayaw kong nadidikitan ka ng dumi kaya maligo ka." Oh? He was implying to the scenery I did awhile ago. Tss! "Nagseselos ka?" asar ko. "Is it obvious?" kunot noo niyang sagot. Inirapan ko siya ulit. Iniisa-isa kong hinubad ang mga damit ko sa harapan niya mismo. Napapalunok naman ang b