MILES Napahinto ako sa paglalakad nang makita kung sino ang lalaking makakasalubong ko. Our eyes met. Nakatitig lang ako sa kanya hanggang sa lagpasan niya 'ko. Napayuko ako at mapait na ngumiti. Dalawang araw na rin ang nakakalipas nang huli kaming mag-usap ni Nate. At sa tuwing nagkakasalubong kami dito sa campus, titingnan at lalagpasan lang namin ang isa't-isa. Hindi ko naman siya masisisi kung iniiwasan niya 'ko. Alam kong nasaktan ko siya sa mga salitang binitiwan ko sa kanya. Pag-angat ko ng tingin, bahagya akong natigilan nang makitang nakatayo na sa harapan ko si Cloud. "Alam kong nakukulitan ka na sa'kin dahil sa patuloy kong paglapit sa'yo. Pero, hindi ako titigil hangga't hindi kita nakakausap at hindi nakakahingi ng tawad sa'yo," bungad niya. "Miles, please. Pagbigyan m