MILES Pagkatapon ko ng basura, bumalik na ko sa loob ng bahay. Gigising, papasok sa school, uuwi, kakain, magtatapon ng basura, magkukulong sa silid at iisipin si Nate. Iyan lang ang daily routine ko simula nang maghiwalay kaming dalawa. Gaya na lang ngayon, nakasandal ako sa headboard ng kama habang iniisip ulit siya. Minsan nahihiling ko na sana hindi na lang siya si Errol Nathaniel Montecaztres. Sana isang ordinaryong estudyante na lang din siyang katulad ko. Because knowing how big his world and responsibilities are, I could really feel the great distance between us. He's really out of my reach. Mahirap lumayo at ignorahin siya sa school. I'm trying my best not to cry and break down in front of him. Sa tuwing magkakasalubong kami, imbes na makita kong nagkakalapit kami, pakiramdam k