Kirot Katana POV. Mapanganib naman na ngumisi si Gregor. "You better get out of here Amoso habang maaga pa." "Oh! You've change huh? Noon baril lang naman ang kapalit ng mga kasama mo.." hawak nito sa aking hita na ikinabigla ko. Handang handa na akong sampalin ang matandang ito. Narinig ko rin ang pagbunot ng baril ni Greg ngunit may nauna na. Taas baba na ang dibdib ko sa galit habang nakatingin sa dulo ng baril na nakatuon sa matandang lalaki. Natigil ang kasiyahan at may iilang lumapit sa amin. "Better f**k off your hands old man.." galit ang boses ni Lord Jones! "L-Lord Jones?" napalunok ako. Galit ang titig na pinukol niya sa akin. "Magkakilala kayo?" si Gregor. Tumingin rin sa kanya si Lord Jones at maging kay Motana. Kaya itong si Motana ay ngumiti ng ubod ng tamis