Anak Motana POV. Umiling ako at tinitigan si Gregor. Gusto ko siyang patayin at sigawan ngayon din. Sa sobrang galit ko sa mga napag daanan ko ay hindi ko na siya matignan, tulad nang dati. Binalingan ko si Madam Rosana. "M-Madam..Bakit mo ko pinalalapit sa taong s-s-sinaktan ako?" dumaloy ang aking luha. Yumuko si Madam Rosana. Tila lungkot na lungkot at napahiwatig ko sa kanya ang aking panibugho. "Motana..G-Gusto ka lang niyang maka usap.." aniya ni Madam Rosana. May alam ba siya sa lahat na nangyari sa akin? Kumuyom ang aking kamay sa aking saya. Hinawakan ni Madam Rosana ang aking mga kamay na nakakuyom. Hinaplos niya ito. "Parang naging anak na kita hija.. sana wag kang matakot sa akin Motana.." aniya bago ako tinalikuran. Hindi ko pinakawalan ang kanyang kamay. Mahi