Tadhana Batid kong nagtataka si Lord Jones Kung bakit ko pinilit na umuwi kami. Kahit ako ay naguguluhan kung bakit nandoon ang kambal ko sa kilala ni Lord Jones na si Gregor. Doon napadpad si Motana? Sa nakita ko ay batid kong siya ay masaya at naaaliw. Kahit paano ay nabawasan ng pag alala ang aking damdamin para sa aking kambal. "Patawarin mo ako kung umatras ako. T-Tingin ko ay hindi ako ligtas doon. Uhm..natatakot pa akong humarap sa maraming tao at kanina ko lang naramdaman ang labis na takot ulit." rason ko kay Lord Jones. Tumango siya at pabalik na kami sa kanyang tahanan. Pagkadating namin ay agad siyang naging abala. Nakikita ko iyon habang ako ay nakaupo. May mga kausap siya sa kanyang tinawag na cellphone. Tumayo ako at tinahak ang daan pabalik sa aking silid. Napakagand