Mapanlinlang Motana POV. "Senyora, hindi ba kayo nagkatabi matulog kagabi ni Senyorito Gregor?" kuryuso ang boses ni Helgad. Umiling ako dahil iyon ay totoo. Maaga ko na siyang nakitang nag aayos ng kanyang suot. "Hindi Helgad. Bakit? Ano ang iyong nais ipabatid sa akin?" "Naks naman senyora! Ang pananalita mo ay tila ba sinauna!" Ngumiti ako sa kanya. Sanay na sa kanyang pakwelang pananalita. "Biro lang! Kasi itong si Senyorito ay may kasamang babae kagabi! Doon sa kabilang kuwarto niya dinala at hindi na yata sila lumabas!" Naningkit ang aking mga mata. Tila ba ay dinidikdik ang puso ko sa kirot na naramdaman dahil sa kanyang sinabi. "Uhm..talaga? S-Siya ba talaga?" "Hay naku! Oo naman senyora! Alangan naman na multo! Nagtataka ako kasi si Senyorito pagdating sayo ay tila ba