Imposible Valentina POV. Walang mapaglagyan na sakit ang aking naranasan. Ramdam kong tuyong tuyo ang aking katawan dahil sa kung ano ang kanilang ginagawa sa aking katawan! Nagagalit ako dahil wala akong magawa! Nag aalala ako sa aking mga anak. Ang dami kong katanungan na walang makakaaring makasagot. Ang tanging solusyon lamang ay dapat makatakas ako para makapiling ang aking mga anak at magpakalayo layo. Kung kailangang' sa pinakatuktok ng bundok kami maninirahan ay gagawin ko. Nagiging marahas na ang mga tao sa kagubatan! Wala silang sinsanto! Wala silang pinipili kung anong uri ang kanilang sasaktan! Dahil nga nakarating na ako dito noon pa man sa mundo ng mga tao ay alam ko ang kanilang kagamitan. Tahimik ko ito noong pinag aaralan noon. Napabaling ako nang biglang humawi