Galit Motana POV. Pagkatapos naming kumain sa sinasabi nilang mesa ay sinabi sakin ni Gregor na kanya akong tutulungan. Umasa ako doon. Ramdam ko ang sinsero niyang pananalita. “H-Hindi ko alam ang pasikot sikot sa mundo niyo. Uhm...n-nakatira lang kami sa gubat noon n-nang kanilang kinuha si ina. M-Mga bandido sila at may armas!" nangingilid ang aking luha sa pagsumbong. Nakatitig siya sakin ng mataimtim. Bawat kibot ng aking labi ay kanyang sinusundan. Hindi tuloy ako makapagpaliwanag nang maayos. “Tulungan mo'ko....pero kung ayaw mo puwede namang' ako nalang.." Dumilim ang titig niya nang sabihin ko iyon kaya natahimik nalang ako. Nandito kami ngayon sa isang kuwartong madilim. Mahaba ang mesa sa aming harapan at magkaharap kami ni Gregor. “Hindi ko sinabing aalis ka sa pude