Gregor Someone's POV. Nakatingin ako sa araw na papalubog na. Pawis na pawis ako sa kakakarga ng mga pinya sa truck. Ang mga kasamahan ko ay kapwa na namamahinga sa lilim ng puno. "Alex!" tawag sa akin ng kasamahan ko. Nilingon ko sila. "Mag meryenda ka muna dito! Palagi ka nalang nakatingin diyan sa papalubog na araw!" "Mauna na kayo!" sigaw ko pabalik sa kanila. Binalikan ko ng tanaw ang araw na kalahati na lang ang nakikita ko. Kasing ginto ng araw ang kanyang mga mata. Kasing ganda rin ng araw ang kanyang ngiti. Ang mga mata niyang nakitaan ko ng pagmamahal para sa akin kahit sa huling araw na kami ay magkasama. "Katana.." sambit ko at matalim na tinitigan ang araw na halos lubog na. *** Isang Taon ang Lumipas. Someone's POV. "Madam Rosana... na- naayos ko na po ang