Chapter 4

1016 Words
Hiram Katana POV. Hindi lang pala halang ang mga tao kundi mga baliw rin. Pinipilit nang lalaking ito na ako'y kanyang salawahang asawa at ako 'raw si Melody? Mga walang kwentang tao sa mundong ito! Ngayon paano ko hahanapin ang aking ina? Nakagapos ako sa kama umagang umaga. Kagabi ay bumalik ang aking anyo sa pagiging ahas kaya mabuti nalang walang pumasok sa kuwartong ito. Kumalakat ang aking buhok. Pambihira at ang aking ginintuang buhok ay mabilis humaba sa mundo ng mga tao. Biglaang bumukas ang pintuan at pumasok ang pamilyar na babae sa akin. May dala naman itong umuusok na nasa mangkok. Bilog ang nakita ko doon na kulay puti. "Ano iyan, babae?" "Mainit na lugaw na may itlog po. Sana wag na po kayong magmatigas at baka ako ay mawalan ng trabaho. Mapanganib malagalit si Mr. Jones. Kaya sana maligo na po kayo at aalalayan ko kayo." Napalunok ako. Nararamdaman ko na sinsero ang kanyang binitawang salita. Nararamdaman kong may takot siya sa lalaking hangal na iyon. Sapagka't ako'y nagugutom na. "Maaari mo ba akong pakawalan? Ako'y nagugutom na. Nais ko lamang na kumain." Ngumiti sakin ang babae at kinalagan ang aking kamay na nakakadena. Alam kong kapag nasa anyong tao ako ay wala akong kapanyarihan. At kahit na nagpapalit anyo ako tuwing alas dose ng gabi ay mahina ang aking lakas. Ito na siguro ang sinasabi sa akin ni Octupina. Kinuha ko ang isang bagay na makinang. Binigay iyon sa akin ng babae. "A-Ano ito?" Ngumuso siya at ngumiti. "Hindi mo ba alam iyan? Saan ka bang galing planeta?" tawa nito. Saan ako galing? Hindi. Hindi ko maaaring sabihin iyon sa taong kagaya niya. "Sagutin mo nalamang ang aking tanong babae at ako'y nagugutom na!" mabagsik kong' sabi. Tumalima naman ito. Tinuruan niya ako kung paano kumain. Sa paglakad ko ay bahagya pa akong natutumba. Tumawa naman itong babaeng tumutulong sa akin. "Ikaw..anong pangalan mo at bakit ka nagsasayang ng oras para tulungan ako?" tanong ko bago kami pumasok sa isang kuwarto pa na may malaking salamin. Kung sa karagatan ang aming salamin ay kinang ng dagat.Dito sa mundo nila ay kakaiba. Bahagya kong hinawakan ang bagay na malawak na ito. Nakikita ko ang sariling repleksyon ko. May bumuhos na tubig mula sa metal na bagay na kakapindot lang ng babaeng ito. "Alam niyo po ang oras dito ay hindi sayang. Katulong ako dito at responsibilidad kong lingkuran si Lord Jones. Sa pagsisilbi namin ay nabibigyan kami ng pera at iyon ang nagbubuhay sa aming pamilya. Ako nga pala si Drelyn." Tumango ako. Kung ganon, ang pera ay kanilang buhay? Ganito pala sa mundo ng mga tao. Hinanda ko na talaga ang sarili ko sa ganitong rebelasyon. "Maghubad kana at ihahanda ko ang iyong mga damit sa labas. Ito ang iyong tuwalya." sabay sabit ng tuwalya sa likod ng pintuan. Sinabihan niya akong ituon ang sarili sa lagaslas ng tubig kaya akin iyong sinunod. Nasabik ako sa tubig. Halos ngumiti ako pero hindi nagawa dahil sa naalalang ina. Gusto kong makita ang aking ina pero alam kong malawakang pagpaplano ang aking gagawin at sa tingin ko ay magtatagal ako dito. Tingin ko ay ligtas ako dito kahit sa maiksing panahon. Mamayang gabi..kapag ako ay nag anyong ahas ulit ay balak kong lumabas at kilatisin ang bawat mundo nila. Ramdam ko ang pintig ng puso ng aking ina. Ramdam ko ang kaba ng aking kapatid na si Motana. Pumikit ako at himig ng mensaheng para sa kanya. Nawa'y dalhin ng hangin ang aking hininga sa kanya. Palatandaang ako ay buhay pa. "Mahal ko kayo ina..Motana.." Nang maramdaman kong ako ay sumigla at sapat na ang tubig sa aking katawan ay lumabas na ako ng kuwarto ito. Sa aking paglabas ay nandoon na ang kanilang tinatawag na Lord. Nakatanaw sa labas ng bintanang kanilang binuksan. Si Drelyn naman ay inaayos ang kung anong kasuotan sa kama. Nang tumingin siya sakin ay halos ihagis niya ang damit sa kung saan. Nangunot ang aking noo. "Naku! Ba't ka lumabas ng nakahubad?!" sigaw nito at nataranta. Ang lalaking si Mr. Jones naman ay umanagat ang gilid ng labi at may kung anong sinusuri sa aking katawan. Pinulupot sa akin ni Drelyn ang isang tela. "Leave us alone.." utas ni Mr. Jones. Hindi ko alam ang lengguwaheng iyon. Nanatili akong nakatingin sa lalaking ito. Lumisan si Drelyn at sinara ang pinto. Matikas ang lalaking ito sa aking harapan at arogante. Patuloy siya sa paglapit sa akin habang ako ay nakatingin lamang sa kanya. "Bakit ganyan ka makatingin sa aking katawan?" tanong ko, nakakunot noo. Ang titig nya sakin ay sadyang malalalim. Tinagilid nito ang ulo. "Anong pangalan mo?" "Katana.." agaran kong sagot. Mas lalong nangunot ang kanyang noo. "Bakit? Hindi ako ang inaakala mong Melody , lalaki. Ngayon lang kita nakita sa katunayan. Hinahanap ko ang aking ina at dito ako napadpad sayo.." Tumango tango siya. "I've done a search for you but...ni hindi ka nakarehistro sa kahit saang lugar dito. Sino ka ba talaga?" "Ayokong ulitin ang sinabi ko. Hindi ako nagsisinungaling." Tumawa siya. "Isa ba ito sa iyong laro Melody?" Nakaramdam ako ng irita sa kanyang pamimilit. "Hindi ako si Melody! Ilang beses ko nang sinasabi iyan sayo! Kung mararapatin mo sana ay pakawalan mo na ako dahil kailangan kong hanapin ang aking ina." Umiling iling siya at mas lumapit pa sakin. Isang higlap lang ay kanyang hinaklit ang telang nakabalot sakin. Nanlaki ang mga mata ko sa kanyang ginawa. Kung ako ay isang ahas ay sana nabigwasan ko na siya ng aking buntot ngunit ako ay isang tao kaya tinadyakan ko siya at tumakbo papuntang pintuan! "No..you're not going out naked.." aniya na hindi ko na naman maintindihan at hinagis ako sa kama. Nanlilisik ko siyang tinitigan habang ang kanyang mga mata ay tila nag babaga ring nakatitig sa aking katawan. "Hangal ka! Isa ka sa mga taong hangal! Wala kayong ginawa kundi ang manakit!" "Shhhhh..." tila pinatatahimik ako nito. "Ibahagi mo ang iyong hita....aalamin ko kung hindi ka nga ba si Melody.." seryoso ang boses niya at nakatingin sa aking mga hita. Walang pag alinlangan ko namang binahagi ang aking hiram na mga hita. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD