Umalis ako pagkatapos ko siyang itulak ng napakalakas. Napakalas dahil ayaw niya akong bitawan. Namumugto ang aking mga mata habang pauwi. Kumakalabog ng husto ang aking dibdib sa hindi inaasahang pangyayari. Why William let this? O baka sinadya niya itong mangyari? Halos sabunutan ko ang sarili. Bumaba ako ng sasakyan ng makarating. Gusto kong komprontahin si William. Ang totoo, wala akong planong itago ito kay Ezekiel noon pa man. Simula nang isilang ko ang kambal. Dahil akala ko, hindi niya malalaman ang tungkol dito at ang alam ko, ang alam nila ay si Zeus ang ama. Ngayong nangyari ito, hindi ko alam ang gagawin at sasabihin. Lalo na't ganon ang pakikitungo sakin ni Ezekiel. Naninibago ako. Sobra. Malayong malayo sa Ezekiel na nakilala ko noon. s**t. Isang kalabog at sigaw

