I turned off my cellphone. Nasa kandungan ko si Cindy habang sinusuklay ang kanyang buhok. Si Zeus naman nakahiga sa kabila at nakatakip ang braso sa mga mata. It's six in the evening. Iyak ng iyak si Cindy kanina at naawa ako sa kanyang mga hinaing. "Kanina kapa ba dito?" tanong ko kay Zeus dahil alam kong gising siya. "Oo. Saktong padaan ako sa village na'to ng tumawag si Cindy. " Ibig sabihin medyo close sila nang mga nakaraan? At hindi ko iyon alam dahil nga simula nang tumira ako kay Ezekiel, medyo hindi na ako nakakalabas. I will explain to Ezekiel later kung bakit ako ginabi. "Ma'am Catalena?!" tinawag ako ng yaya nila Cindy na nasa ibaba ng tree house. "Po?!" hinawakan ko ang ulo ni Cindy na humihilik sa kakatulog. Nilagay ko ang ulo niya sa throw pillow tsaka lumaba

