PAGKATAPOS ng klase ay niyaya na ako ni Amie na pumunta ng cafeteria, pero nang akmang papasok na kami ay agad akong napahinto nang makita ang mga babaeng tagahanga ni kuya na nakaupo sa iisang mesa habang kumakain. Mabilis kong hinila si Amie palayo sa cafeteria hanggang sa napadpad kami sa isang puno ng maliit na indian mango na nasa loob din ng campus ng university.
"Wait! What are we doing here?" nagtatakang tanong ni Amie sa akin.
Wala na akong choice kundi sabihin sa kanya ang dahilan.
Agad na nanlaki ang mga mata ni Amie at napasimangot.
"Aba! Ang kapal naman ng mukha ng mga babaeng 'yun! Huwag na huwag mong ibibigay sa kanila ang number ng mga gwapengs mong kuya, beshy!"
Napangiti ako at naupo sa ilalim ng puno ng mangga. "Oo na, hindi ko na ibibigay sa kanila. Alam ko namang crush mo ang mga kuya ko, eh."
Napahagikhik naman si Amie at naupo sa tabi ko. "You're right! Ang guwapo kasi ng mga kuya mo eh, at ang hot pa! I think I'm inlove with them."
Napangiti na lang ako at napailing bago binuksan ang bag ko at kinuha ang isang libro. Binuksan din ni Amie ang bag niya pero hindi libro ang kinuha kundi dalawang dairy milk chocolate ag agad na binigay sa akin ang isa.
"Sayang hindi tayo makakapunta ngayon sa cafeteria. Gusto ko pa naman sanang makita si Mr. Hot! Baka sakaling napapad ulit doon."
Napatingin ako kay Amie habang binubuksan ang bigay niyang dairy milk. "Sinong Mr.Hot?"
Amie rolled her eyes on me, sumandal ito sa puno ng mangga. "Ano ka ba naman, don't tell me nakalimutan mo na agad ang lalaking guwapo sa cafeteria nung isang araw na nagbigay ng tinidor sa'yo?"
Ngumiti ako kay Amie. "Of course not! Paano ko makakalimutan ang first love ko!" Nakangiti kong kinagat ang chocolate bar.
Saglit na nanlaki ang mga mata ni Amie at napatigil sa akmang pagkagat sa kanyang chocolate hanggang sa napahalakhak na ito at hinampas pa ako sa kaliwang braso.
"Oh my gosh! Hindi ko alam na ang bilis mo rin pala, Kierra! First love agad?" Amie laughs again.
"Yeah. I think I'm in love with him at first sight yesterday in the cafeteria," natatawa kong sagot na mas lalong kinalaki ng mga mata ni Amie. "Napanaginipan ko pa nga siya kagabi, eh. Sa panaginip ko; nasa isang kuwarto daw kami at hinalikan niya ako." I lied.
Namilog ang maliit na labi ni Amie. "Oh my gosh!" Muli ako nitong hinampas sa braso. "Ang landi mo, girl! Ikaw na talaga!"
Nagtawanan na kaming dalawa.
Napatigil lang kami sa pagtawanan ni Amie nang biglang bumuhos ang malakas na ulan. Patakbo kaming sumilong sa isang lumang classroom na hindi na ginagamit at tanging mga lumang upuan nalang ang nasa loob, sira din ang pinto kaya madali kaming nakapasok.
"Hays, ang malas naman! Nabasa tuloy ako," reklamo ni Amie na pinagpagan pa ang suot na uniform bago kinuha sa loob ng bag ang kanyang cell phone nang tumunog ito.
"Oh, sinong nag-text? Bakit nakabusangot ka?" tanong ko nang mapansin ang reaction ni Amie.
"May cousin texted me, nasa labas na daw siya. I think I need to go na, Kierra. See you tomorrow na lang, okay?" Hindi na ako hinintay pang sumangot ni Amie at mabilis na itong tumakbo palabas kahit malakas ang ulan, kaya naiwan akong mag isa sa loob ng lumang classroom.
Napabuntong hininga nalang ako at saglit na pinagmasdan ang patak ng ulan. Kabilin-bilinan pa naman ni dad na huwag na huwag akong lalabas ng university hangga't hindi sila dumarating para sunduin ako, kaya mas mabuti pa sigurong i-text ko na lang sila at magpasundo dito sa lumang classroom, at nang sa ganon ay madalhan nila ako ng payong para hindi ako mabasa.
Binuksan ko ang bag at kinuha ang aking cell phone para sana i-text na sila. Kaya lang sa kamalas-malasan ay pagkabukas ko palang ng cell phone ko, bigla nalang itong na lowbat at namatay. Napapadyak nalang ako sa inis at muling binalik ang cell phone sa loob ng aking bag.
I don't have a choice. Kailangan ko atang lumusob sa malakas na ulan dahil baka dumating na sina dad at baka pumunta na sa classroom at hanapin ako.
Ipinatong ko ang bag sa ulo ko at akmang lalabas na sa sirang pintuan nang bigla akong nauntog sa matigas na dibdib dahil sa biglang pagsulpot ng isang bulto ng katawan sa harap ko.
Napatigil naman ako at unti-unting ibinaba mula sa ulo ko ang bag. Nakasimangot akong tumingala.
Pero ang pagsimangot ay napalitan ng pag-awang ng labi nang makita ang lalaki sa cafeteria kahapon na siyang nagbigay akin ng tinidor.
"Hi, Kierra Gabriel." Ngumiti siya sa akin.
Napatulala ako. Alam niya ang pangalan ko? I can't believe this!
Hindi ako nakasagot at tulala lang nakatingala sa mukha ng lalaking nakangiti sa akin. Inalis na nito ang pagkakabutones ng suot na black raincoat.
"Your dad told me to pick you up. Shall we go?" Naglahad ito ng isang kamay sa akin matapos baklasin ang pagkakabutones ng kanyang raincoat.
"K-Kilala mo si daddy?" salita na lumabas sa bibig ko.
Oh my gosh! Huwag niyang sabihin na isa siyang pulis at tauhan ni dad?
"Of course, he's our general." He smiled again.
Damn! So tauhan nga siya ni daddy!
"So kung ganon, you are a police man?" I asked again. Hindi ko alam kung saan ko nakuha ang lakas ko para magtanong sa kaniya.
"Yes. So puwede na ba tayong umalis? Your dad is waiting for us in the police station. Let's go?" Nakalahad pa rin ang kanyang isang kamay sa harap ko.
Nakapagtataka naman na pinasundo ako ni dad sa kanyang tauhan, eh kabilin-bilinan kaya no'n na don't talk to strangers daw. Pero tingin ko hindi naman stranger 'tong lalaki kung tauhan pala siya ni dad at isang pulis.
“Your brothers and father are busy so they can't pick you up. Kaya ako nalang ang sumundo sa'yo, ayun sa kanilang utos.”
Kahit na may konting pagtataka ako ay tinanggap ko parin ang nakalahad na kamay ng lalaki na kinangiti nito.
"Good girl," bulong nito na hindi umabot sa pandinig ko dahil sa lakas ng ulan. Agad niyang binuksan ang suot na raincoat at hindi ko inaasahan ang paghila niya sa kamay ko, dahilan para mapasubsob ako sa kanyang mabango at malapad na dibdib.
Nakapasok ako sa suot niyang raincoat na tamang-tama naman at nagkasya kaming dalawa. Halos mapasinghap ako nang bigla niya akong akbayan.
Lumabas na kaming dalawa sa loob ng lumang room habang nasa loob ako ng kanyang raincoat.
Hindi ko makita ang aking nilalakaran dahil nakatakip sa akin ang kanyang raincoat pero tudo alalay naman siya sa akin.
Nakakailang hakbang palang kami nang bigla siyang tumigil sa paglalakad, kaya napatigil din ako at napatingala sa kanya.
He's still handsome like yesterday when I first saw him in the cafeteria. Ang guwapo niya lalo sa malapitan. 'Yung suot niyang hikaw sa isang tainga ay mas lalong nagpatingkad sa kanyang kakisigan.
May dinukot siya sa kanyang bulsa. Maya-maya ay inilahad niya sa akin ang isang maliit at bilog na kulay puti. It looks like bubble gum if I'm not mistaken.
"Take this, this is a menthol candy. It's expensive from Portugal."
Saglit akong napatitig sa kanyang palad kung saan nakalagay ang sinasabi niyang expensive candy.
"P-Pero bakit hindi nakabalot?" tanong na lumabas sa bibig ko at muling nag-angat ng tingin sa kanya.
Pansin kong natigilan siya sa tanong ko at saglit na napatitig sa akin, pero kalaunan ay agad ding sumilay ang ngiti sa kanyang labi na mas lalong kinalabas ng kanyang kaguwapohan.
"Actually, kakainin ko na sana 'to kanina kaya lang naalala kita," maiksi niyang sagot.
So kahit na nagtataka ako ay kinuha ko na lang ang sinasabi niyang candy sa kanyang palad at sinubo sa aking bibig.
Menthol Candy nga dahil medyo malamig sa bibig at parang kakaiba.
"A-Ano, hindi pa ba ta'yo aalis?" pautal kong tanong matapos isubo ang candy na bigay niya. Napaiwas ako ng tingin at yumuko na lang dahil hindi ko kayang salubungin ang matapang niyang tingin sa akin.
"Just one minute," halos pabulong niyang sagot sa puno ng tainga ko. Pakiramdam ko ay tumayo ang mga balahibo ko dahil sa klase ng pagbulong niya.
Napakunot ang noo ko at napahawak sa aking ulo nang makaramdam ng pagkahilo. Muntik pa akong matumba kundi lang mabilis na nayapos ng lalaki ang baywang ko.
Parang unti-unting nanlalabo ang paningin ko sa hindi malamang dahilan.
"B-Bakit ganito? P-Parang nahihilo ata ako," halos pabulong kong sabi at napakapit sa matigas na braso ng lalaki.
Bago pa ako muling makaangat ng tingin ay tuluyan nang bumigay ang katawan ko. Buti nalang at mabilis ang lalaki at agad akong nasalo ng kanyang matigas na mga bisig.
Hindi ko alam kung tama ba ang nakikita ko nang mapatingin ako sa mukha ng lalaki, pero parang ngisi ang sumilay sa labi nito habang nakatitig sa akin.
Hindi na kinaya ng talukap ng mga mata ko at tuluyan nang napapikit.
"Mission Accomplished," sabi ng lalaki na hindi na malinaw sa aking pandinig.
Bago ako tuluyang nawalan ng malay ay ramdam ko pa ang muling paglakad ng lalaki habang buhat-buhat ako sa kanyang mga bisig.