“SIGE LANG, ENING, KUMAIN KA LANG. HUWAG KANG MAHIHIYA SA AMIN,” Lola Emerald said to me with a warm smile. “S-Sige po, maraming salamat po, Lola,” magalang kong sagot at dinampot na ang kutsarang nasa plato. Nakaupo na ako ngayon sa papag at nakaharap sa isang plato ng sinangag na kanin at tatlong piraso ng piniritong itlog na inihanda sa akin ng Lola at kapatid ni Andrie para sa agahan. Nang magising kasi ako kanina ay nagulat ako nang maliwanag na ang sikat ng araw at may iba ng tao sa loob ng bahay; dumating na pala ang Lola at bunsong kapatid ni Andrie. Mag-isa na lang din akong nakahiga sa higaan, buti na lang nang silipin ko ang sarili ko sa loob ng kumot ay parang nakahinga ako ng maluwag nang makitang nakabihis na ako. And I know, si Andrie ang nagbihis sa akin habang tulog ako;