Pilit kong pinapakalma ang sarili ko habang nanatiling nakaupo sa couch at kagat-kagat ang aking hinlalaki. Ramdam ko ang panginginig ng katawan ko sa takot, kaba at pag-aalala. Tuloy pa rin ang palitan nila ng putok. Hanggang sa napasigaw na lang ako sa gulat nang bigla na lang bumulagta sa sahig ang isang tauhan ni Larco na nakapuwesto sa kabilang bintana. Butas na ang noo nito at nakadilat pa ang mga mata, gumalaw pa ng konti ang mga daliri nito na tila may konting hininga pa. “Bullshit!” Rinig ko naman ang malutong na pagmura ni Larco na ngayon ay nakatayo naman sa kabilang bintana na nakabukas ng konti. Gusto pa sana nitong daluhan ang kanyang bumagsak na tauhan pero hindi magawa dahil nga may dapat pa siyang protektahan na kanyang mga kasamahan sa labas. Hanggang sa tuluyan na n