“I saw his face yesterday and it was so ugly.” “I think he's a ghost.” “No. He's an aswang.” Isang buntong hininga ang kumawala sa akin nang marinig ang bulungan ng mga anak ko na na nakaupo sa backseat katabi ng kanilang Nanny. Hays, naman mga batang ito. Talagang sinasabi nila kung ano ang naiisip nila. Pasimple akong sumulyap kay Andrie. Tahimik lang ito at naka-focus lang sa pagmamaneho. Alam kong rinig niya ang bulungan ng mga anak ko pero tahimik lang siya na parang walang narinig. “But what if he's a vampire? Baka sipsipin niya ang dugo natin 'pag wala si Mommy.” “Ano ka ba, guwapo ang mga bampira. So I think he's a ghost dahil nakakatakot ang itsura ng mga multo.” Hindi na ako nakatiis. Malakas akong tumikhim, dahilan para mapatigil ang triplets sa kanilang bulungan. “Kid