Oh god, I could feel him. This is not just a dream, dahil totoong-totoo na 'to. He is alive! Mahina na akong napatawa habang hilam ng luha at yakap siya ng mahigpit. Nang ma-satisfied sa pagyakap ay marahan na akong bumitaw at tumingin sa kanya. Gamit ang aking nanginginig na mga kamay ay hinawakan ko ang kanyang mukha at marahan itong hinaplos. Wala pa rin pinagbago ang mukha ni Henry, ganoon pa rin ito kaguwapo, haircut lang yata ang nabago. “H-Henry, I'm happy that you're alive. Hindi ako nananaginip lang, 'di ba? Kasi totoong nahahawakan na kita, nahahaplos ko na ang mukha mo,” I said, with a weak laugh as tears filled my eyes. Henry smiled at me. “I'm real, and I'm alive.” “P-Pero, Henry…” I looked around. Unti-unti naman nawala ang ngiti ni Henry nang makita ang paglinga-linga