“LARCO.” “Hmm? Yes, baby?” “Hindi naman siguro kayo nag-away ng isa sa mga kuya ko 'di ba?” “Nope. Why?” “Never mind.” Tipid akong ngumiti. Nasa loob na kami ngayon ng tumatakbong kotse. Buti na lang ay pinayagan ako ni Mommy na sumama kay Larco, kahapon kasi ay ayaw nila akong pasamahin dahil sa pangyayaring pagbaril sa loob ng simbahan na 'yun. Ang totoo ay parang bumabagabag pa rin sa akin ang kilos ng triplets kong Kuya kanina. Hindi rin mawala-wala sa isip ko 'yung tungkol sa magazine na nakita ko kagabi. Palaisipan talaga sa akin kung sino ang nakakita nu'n dahil imposibleng naglakad lang 'yun papunta sa living room. Hindi naman pwedeng mga katulong ang nagdala do'n, napaka-imposible, at isa pa hindi mahilig magbasa ng magazine ang mga 'yun dahil busy sa kani-kanilang mga traba