ISANG BESES ko pang binasa ang nakasulat sa karatula habang nakatayo ako sa labas ng isang building. LEGACY. Napabuntong hininga na naman ako nang maisip ko ang ginagawang past time ni kuya. He's a freaking car racer! Ni hindi man lang niya binanggit sa'kin ang tungkol do'n. Nalaman ko lang no'ng aksidenteng nasabi sa'kin ni Zeke nong isang araw. Mukhang wala talagang balak si kuya na sabihin sa'kin iyon kaya gano'n na lang ang pigil sa'kin ni Zeke na kausapin siya. Pero nanaig ang galit ko kaya hindi ko rin napigilang kausapin si kuya. I had to ask him and talk to him. Nagalit pa siya kay Zeke dahil nalaman ko. But it's not Zeke's fault. Kung hindi lang niya itinago sa akin ang bagay na 'to, hindi sana ako nagalit sa kanya. Nakakapagtampo lang na nagawa niyang isekreto sa'kin ang tu