"SIGURADO KANG wala ka talagang gusto sa mga 'to?" tanong ulit sa akin ni Serena habang sinusukat niya ang isang pares ng sapatos. Napapangiting umingos ako. "Ayos lang ako." I picked up a strapless blue stilettos with four inches heels and brought it to her. "Here, try this on. It will look good on you." Agad na lumiwanag ang mukha niya nang makita niya ang sapatos pero tiningnan niya ako at naningkit ang mga mata niya sa akin. "Hmm..." "'Di mo type?" tanong ko, pero kinukuha na niya ang sapatos sa kamay ko at sinukat iyon. "Why are you giving me every great shoes you see?" I just smiled and stared at the pair of black shoes in front of me. They almost looked the same as the one I got when I was hunting for a job after graduation. Ngayon ko lang ulit naalalang nasa bahay pa pala iyo