PART 29

1085 Words

Nagte-text si Diane habang palabas sa gate ng kanilang bahay. Babalik ulit sila ni Gerlie sa hospital. Kaya lang ay nakailang text na siya sa kaibigan ay wala pa rin itong reply sa kanya. /DAANAN KITA SA BAHAY NIYO/ text niya ulit kay Gerlie tapos ay binulsa na niya ang cell phone. Kaso ay anong gulantang niya nang makita niya si Rj sa labas ng kanilang bahay at inaantay siya. Nakasandal ito sa kotse nitong dala at may hawak-hawak na boquet of flowers. Ngumiti agad ito sa kanya nang makita siya. "Hi!" ta's matamis nitong bati. Mukhang masaya ito. Napangiwi siya dahil kinabahan siya na baka makita ito ng nanay at tatay niya. "Anong ginagawa mo rito?!" Mabilis niyang lapit sa binata. "For you," bigay nito sa kaniya sa dalang bulaklak. Kaya naman matamis siyang ngumiti na inabot iyon.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD