"Kuya, hiramin ko kotse mo hah?" Masamang tingin ang pinukol ng kapatid niya sa kaniya. Nagbabasa ito ng dyaryo at parang wala namang lakad kaya lakas loob ulit siya na nagpaalam dito. "At san ka na naman pupunta, RJ?" "Diyan lang!" "Saang diyan lang?!" "Basta diyan lang!" "Ikaw Rj, 'pag nalaman kong may ginagawa kang kalokohan humanda ka sa'kin!" "Grabe ka naman, Kuya! Anong akala mo sa'kin? Itong tanda kong 'to gagawa pa ba ako ng kagaguhan?!" "Siguraduhin mo lang!" "Oo naman! So, pwede ko bang hiramin ulit ang kotse mo?" "Tumigil ka! May lakad ako mamaya!" "Saglit lang ako! Ikaw rin naman 'pag nasa probinsya ka pinapahiram ko kotse ko sa'yo ro'n, ah!" "Mag-taxi ka na lang!" "Hay! Hindi pwede!" Kamot sa ulo siya. Pa'no niya mapupormahan ng mabuti si Diane kung magco-comute