TORI He is here to stay. That's what he's trying to say. Naging masaya ang picnic namin. Parang bata ang asawa kong nagtampisaw sa ilog at nanaboy pa. Panaka-nakang nagnanakaw ng halik. Ang katwiran nya -- we're in public. I wonder what he's like as a kid. Para kasing laging hindi sumusunod sa sinasabi sa kanya. Palaging may lusot sa lahat at hindi papayag na hindi masunod ang gusto. Napalo rin kaya s'ya. Umuwi kami sa bahay ng basa ang damit. Nakita kami ni Yaya na kasalukuyang nagtitiklop ng mga tuwalya. "Susme ang mga batang ito. Anong nangyari sa inyo at basang basa kayo?" "Si Philip po kasi nanaboy ng tubig." Inabutan kami ni Yaya ng tig-isang towel. "Kung si Philip ang nanaboy, eh bakit basa rin s'ya?" Namula ako. Kaya s'ya nabasa kasi niyakap ko s'ya. Nilalamig na ako kanina.