TORI "Karlos, if you shout at my wife again -- I will kill you!" Pabirong sabi ni Philip. Kumindat ito sa akin. "I'm sorry! Nagulat lang ako. Hindi ka naman marunong magtanim. Do you remember your cactus? Hindi na nga dinidiligan, namatay pa rin!" Doon ako napabunghalit ng tawa. Ang sama ng tingin sa akin ni Philip. "You like that story?" Tumango ako ng sunod sunod. "Cactus na lang napatay mo pa? May sumpa ba 'yang kamay mo?" Lumapit s'ya sa akin at bumulong. "Do you remember how magical my hands were?" Naramdaman ko ang mainit n'yang hininga sa may tenga ko. Pinamulahan ako ng mukha at pinandilatan s'ya. "Philip." Kung hindi ko narinig nagsalita si Karlos ay baka naghahalikan na naman kami dito. "Stop flirting with each other and bring me my food, please!" Nakangisi ito ng lumay