TORI Since mamayang gabi pa ang dating ni Erin at Celine ay may oras pa kaming magluto. Erin loves tinolang manok na may tanglad, while Celine loves arroz caldo. Kahit mayaman ang mga kaibigan ko ay simple lang sila pagdating sa pagkain. It depends where they are too. S’yempre kapag nasa social event ay sosyal din ang mga pagkain. But in our house, they are very laid back. “Is he coming?” tanong ni Philip. I was drying my hair with a towel nang mabungaran ko s’ya na nakadapa sa kama. “Who?” tanong ko sa kanya. “Si Charlie.” Napatawa ako sa kanya. “Binanggit ko ba si Charlie para maging present s’ya mamaya?” Napalabi s’ya at saka naupo sa kama. “Just asking. Have a seat and I’ll get the hair dryer.” Likas na malambing si Philip kaya heto daig ko pa nasa salon. May libreng harot pa.