TORI Nagtaka ako nang matanaw ko ang mga itim na sasakyan habang papasok sa farm ang kotse na minamaneho ko. Umuwi ako ng maaga dahil masama ang pakiramdam ko. I was dizzy at nang magpacheck up ako ay mababa ang hemoglobin ko. But who are these people? May bisita ba kaming inaasahan ngayon na hindi ko alam? I know Philip is in Manila at gusto n'yang makausap ang tao sa agency para sa kontrata. Ang nakakapagtaka, ang limang sasakyan na itim ay puro ay SUV at ang isa ay limo na itim din. And there's a flag -- a Norwegian flag. What the heck is going on? Nang maiparada ko ang kotse ay umibis ako at tinunton ang front door. In the living room, I found Karlos sitting on the couch at ang kaharap n'ya na kasalukuyang nakatalikod sa akin ay isang lalake na olandes ang buhok. Sino naman ito? "