TORI Si Karlos ay narito na sa farm at nagustuhan ang kanyang kwarto. I know he's a little embarrassed that he is staying in our house for free but I assured him that it is fine. I told him that he is family. I guess doon lang lumagay ang loob n'ya nang sabihin ko ang mga katagang 'yon. Nagpasalamat s'ya sa akin at masayang nakipaghuntahan. Karlos is easy to get along with at likas na masayahin. Kahit si Yaya ay kasundo n'ya kaagad at pinag-uusapan nila ang mga lulutuin nila sa mga susunod na araw. Hustong pasok ni Philip ay nagsusuklay ako ng buhok. Bukas ang party na pupuntahan namin. "Hey, is he settling alright?" tanong ko sa kanya. Galing s'ya sa kwarto ni Karlos. "Yeah. He's okay. Magtatanim daw sila ni Yaya bukas ng gulay. What time is the party tomorrow?" Kinuha n'ya ang