Abalang-abala ang lahat ng mga empleyado ng Manila Company isang linggo ang nakaraan simula noong linabas sa media ang press conference na ginawa ng kampo nila Ghana patungkol sa eskandalong sumabog. Sa kabutihang palad ay nakakuha ng simpatya ng karamihan at inintindi ang nakaraan ng dalaga. May iilan lang ang nagtitigas-tigasan at patuloy na bina-bash si Ghana. Ngunit hindi ito alintana para sa kanya sapagkat higit na mas maraming mga tao ang naniniwala pa rin sa kanya sa kabila ng lahat. Kasama na rito ang mga taong malalapit sa kanyang puso…at ito ang pinakamahalaga sa ngayon. Ika nga nila, you can never please everyone. Hindi mo magagawang makuha ang pabor ng lahat ng tao. Bawat isa sa mga empleyado ay may mga nakaassign na tasks…tasks na hindi naman related sa sinumpaan nilang