Kinabukasan, tinanghali ng gising ang dalaga. Napakaraming nangyari kahapon at kinailangan ng kanyang katawan ang mahaba-habang tulog. Medyo nagulat naman siya nang imulat niya ang kanyang mga mata at makitang wala na ang mga rosas at kandila na nagkalat sa kanyang kwarto kagabi liban na lang sa natirang boquet of flowers na inabot sa kanya ng binata. May parte sa kanya na naghihinayang. Natural kasi para sa isang babaeng magandahan sa bulaklak. Ngunit may parte rin sa kanyang nagdiriwang at naibalik na sa dating ayos ang kwarto. Batid niyang malalanta rin ang mga ito at kakailanganin niyang iligpit sa susunod na araw. Bumangon siya at sumilip sa sala at kusina upang kumpirmahin ang hinala niyang naibalik na rin sa dati ang lahat. At hindi nga siya nagkamili. Wala na rin ang lumulutang