Mabilis na pinaharurot ng naguguluhang Cohen Sison ang black Lamborghini nito sa pinakamalapit na bar sa lugar. Linunod niya ang kanyang sarili sa alak. Hindi na rin siya nag-atubiling sunggaban ng halik ang mga babaeng kusang lumalapit sa kanya. He is so confused about himself. Bakit siya nagkakaganito? Bakit ganun na lamang siya kaapektado sa dalaga? Wala namang kung anong namamagitan sa kanilang dalawa pero kung umakto siya parang meron siyang pinanghahawakan at pinaglalaban. Cohen never felt so helpless just because of a girl in his entire life. Aminado siyang naintriga siya kay Ghana noong una. Maliban sa pagkakaroon nito ng kakaibang storya ng pagkadiskubre bilang isang modelo, it’s her natural charm and innocence that captures the CEO’s attention in the very beginning. Ang simpl