Chapter 1

1527 Words
NAGSUSUMAMO na umiling-iling si Mirana sa kanyang tiyahin. “Tita, pakiusap. Naging mabait naman akong pamangkin, hindi ba? Ginawa ko naman po ang lahat. Maghanap po tayo ng paraan. Ako na po ang maghahanap ng paraan. Huwag niyo lang po gawin sa akin ito.” “Wala ng ibang paraan kundi ito lang, Mirana, patawad... kailangan kong gawin ito,” wika ng kanyang tiyahin na si Mirabela at pinalis ang pagkakahawak niya sa kamay nito. “Tita, maawa po kayo sa akin. Maawa po kayo,” pagsusumamo ni Mirana at muling hinawakan ang kamay nito na agad nitong tinanggihan. “Ako po ang maghahanap ng paraan. Kung maari ay magtratrabaho po ako nang marami para makapag-bayad. Magsisikap ako. Paki-usap, huwag ninyo naman gawi sa akin ito, Tita Mirabela.” Hindi na napigilan ni Mirana ang pagluha nang muling palisin ng kanyang tiyahin ang kamay niya. “Huwag kang magmatigas, Mirana. Simula nang iniwan ka ng mga magulang mo, ako ang nagkupkop sa iyo. Ako ang nagpakain sa iyo! Kaya huwag mong pangunahan ang desisyon ko sa buhay!” singhal ng tiyahin at pinanlisikan siya ng mga mata. “Pero hindi po karapat-dapat na ipagbenta ninyo ako sa mga mandarambong para lamang sa kasalanan na hindi ko naman ginawa,” katwiran ni Mirana sa pagitan ng kanyang paghikbi. “Hindi karapat-dapat na ipangbayad ninyo ako sa utang na hindi nabayaran ng anak ninyong si Peter.” “Abat sumasagot ka pa, ha?” nagngitngit na wika ng kanyang tiyahin at binigyan siya nang malakas na sampal sa pisngi. “Wala kang utang na loob! Tama lamang na ipagbenta ka na dahil wala ka naman kuwenta.” “Alam nating dalawa kung sino ang walang kuwenta, Tita Mirabel,” mariin na ani Mirana at masama itong tiningnan. “At iyon ang mga anak mong walang ginawa kundi magpasarap sa buhay. Ako ang tagalinis sa bahay. Tagaluto at kung ano-ano pa. Minsan pa nga ay ako ang gumagawa ng gawain nila sa eskwelahan na labag sa loob ko ngunit ginawa ko na lamang dahil wala akong magagawa. Isa akong utusan sa bahay. Ginawa ninyo ako na alila. Kayo ang mga walang utang na loob. Mga wala kayong puso!” Isang malakas na sampal na naman ang binigay sa kanya ng tiyahin para mapasadsad siya sa lupa. Bumuka ang bibig nito ngunit wala na itong nasabi nang huminto ang sasakyan sa kanilang tapat. Lumabas ang armadong mga lalaki at tiningnan sila mula ulo hanggang paa. “Iyan ba ang pangbayad na sinasabi mo, Aling Mirabela?” tanong ng lalaki na bakas sa mukha ang kasuklaman. Titingnan niya pa lamang ang lalaki ay agad na nagkakutob siya na masama itong tao at tiyak na manganganib na ang buhay niya. Puno ang marka ito sa dalawang braso at mayroon rin sa leeg. Amoy usok ito at halata na nabubuhay na masalapi. “Tayo, Mirana!” utos ng kanyang tiyahin na hindi niya sinunod kaya naman pilit siya nitong pinatayo at pinaharap sa lalaki. Nakita niya ang lalaki kung paano pumailanlang ang masama nitong ngiti. Tinanggihan niya ang pagtama ng kanilang mga mata at tumingin siya sa lupa. “Tama nga ang sinabi ninyo, Aling Mirabela, napakaganda-dilag nitong pamangkin ninyo,” papuri ng lalaki at inilapit ang mukha sa kanya. “Sinabi ko naman sa inyo, hindi ba? Maganda ang lahi namin,” mayabang na wika ng tiyahing niyang si Mirabel at pilit na pinaharap siya sa lalaki. “Tanggapin mo si Mirana bilang pambayad sa utang ng anak kong si Peter at lubuyan niyo na kami ng pamilya ko.” Nanliit ang mga mata ng lalaki at hinagod siya ng napakahalay na tingin. “Ano? May kasunduan ba tayo, Felipe?” tanong ng tiyahin para mapangisi nang malaki ang lalaki na nagngangalang Felipe. Nakakalokong tingin ang binigay nito sa kanyang tiyahin bago inilahad ang kamay. “Deal. Simula ngayon ay wala ng utang si Peter sa akin. Sabihan mo iyang anak mo na lumugar siya sa pagkalaban sa akin, Aling Maribela. Ang dukha na katulad niyo ay hindi dapat na tumataya sa sugal at mas lalong hindi niya binabangga ang isang katulad ko.” Napailing-iling si Mirana at nagpumiglas sa hawak ng tiyahin. Nang makatakas siya ay tinangka niyang tumakbo palayo ngunit marami ang bantay ng lalaki at agad siyang nahuli. “Matapang at nagpupumiglas...” komento ni Felipe at masama na napangisi sa gawi niya. Yumukod ito at inangat ang kanyang baba. “Iyan ang mga gusto ko sa mga babae. Ikadena ang mga kamay niya at mga paa pagkatapos ay pasakayin na sa sasakyan. Umuwi na tayo para matikman ko na ang bago kong alipin sa kama.” “Hindi! Hindi!” pagtutol ni Mirana at nagpumiglas ng magsimulang kandaduhan ang kanyang kamay at paa. Lumuluha na tumingin siya sa tiyahin at pag-ingos lamang ang natanggap niya dito. “Tita Mirabela, bawiin niyo po ako. Pakiusap...” Ngunit parang walang narinig ang kanyang tiyahin dahil sa halip na lumingon ay naglakad na ito palayo. Kasabay ng pagpasok ng mga ito sa sasakyan ay siyang pagunaw ng kanyang mundo at pangarap. Halos limang oras bago nila narating ang isang isla. Isang oras bago narating ang malaking pasugalan na pagmamay-ari tiyak ni Felipe, ang lalaking walang pakundangan na tinanggap siya bilang bayad sa utang at halatang miyembro ng sindikato. Ipinasok siya ng mga utasan nito sa isang kuwarto at pinaupo. Tinanggal ang pagkakagapos sa kanyang kamay at paa. “Maghintay ka rito sa loob at isuot mo ang damit na ‘yan,” utos ng lalaki na armado at hinudyat ang ulo sa kama. “Darating si boss makalipas ang sampung minuto kaya kung ako sa iyo mag-asikaso ka na.” Hindi sumagot si Mirana at hinayaan itong lumabas ng silid. Naghanap siya ng daan para makatakas sa kuwarto na iyon. Ang unang naisip niya ay ang bintana kaya naman dali-dali siyang nagsuri at natagpuan ang sarili na nalulua sa taas ng kuwartong iyon. Tiyak na kapag tatalon siya sa ganoong kataas ay babagsak siya lupa na bali ang buto o kapag mas minalas ay wala ng buhay. Wala siyang makitang daan kundi ang hintayin ang pagdating ni Felipe at kalabanin ito. Kailangan niyang makaalis sa kinaroroonan kundi ay mawawalan siya ng dignidad. Gagawin niya ang makakaya para makawala sa hawak ni Felipe. Kung kinakailangan na kalabanin ito ay gagawin niya. Naghanap si Mirana ng maaring ipanlabad dito at nakita niya lamang ay hairpin ng palaging niyang suot, ang natirang gamit sa kanya mula sa pamilya ng Valmorida. Itinago niya iyon sa kanyang manggas at hinintay ang pagdating ng lider ng mga mga mandarambong. Mahigit sampung minuto ang nakalipas nang dumating si Felipe na may dala ng bote ng alak. Nang makitang hindi nagbago ang kanyang suot ay dismayado na napailing-iling si Felipe. “Akala ko ba ay isa kang matalino na babae?” tanong nito at lumapit sa kanya. “Bakit hindi mo naintindihan na pinagpapalit kita ng damit?!” Mahigpit na hinawakan ni Felipe ang kanyang kamay kaya siya nagpumiglas. “Bitawan mo ako!” “Kundi ano? Sisigaw ka? Manghihingi ng tulong?” nanunukat na tanong ni Felipe at malakas na tumawa. “Sumigaw ka man nang malakas, walang makakarinig sa iyo dahil ang kuwartong ito ay hindi natatablan ng ingay.” “Hindi natatablan ng ingay?” tanong ni Mirana at napangiti. “Salamat sa pagbibigay sa akin ng impormasyon.” Inilabas niya ang mahaba na hairpin at sinaksak ito sa kamay ni Felipe. Nang sumigaw ito ay hindi siya nabahala dahil nakasarado ang pinto. Dali-daling niyang kinuha ang bote ng alak at malakas hinampas sa ulo nito. Dahil marahil sa lakas ng impak ng bote ay nawalan ng malay si Felipe para gawin niyang daan para makatakas. Maingat na isinarado niya ang pinto at naglakad palayo. Nang makatagpo siya ng lalaki na nagbabantay sa espasyo na iyon ay nginitian niya ito. “Sabi ni Felipe na magpapahinga muna siya ng ilang oras at ipagluto ko siya ng masarap na putahe.” Sandaling tumitig ang lalaking bantay sa kanya sabay pinagbigyan siya ng daan. Nang makakita ng isang jacket na nakasampay sa balkonahe ay kinuha niya iyon at nagtago mula sa hood. Minuto lamang bago siya nakalabas sa establisyamento na hindi napapansin at nakasakay sa maliit na bangka na nasa daungan. Mabilis na nagsagwan si Mirana at nilingon ang establisyimento na pinagmulan. Malaya na siya at makakahinga na siya nang maluwag. Ang tanging problema niya lamang ay kung saan siya tutungo sapagkat wala siyang alam sa kung anumang isla na pinanggalingan. Palapit na rin ang gabi at dapat makahanap siya ng kung anumang pagdadaungan bago humalik ang araw sa dagat. Ngunit tila ba hindi nagtagal ang suwerte sa kanya nang biglang bumuhos ang malakas na ulan para magwala ang alon. Napakapit si Mirana sa bangka at nagpatuloy sa pagsagwang. Nang makakita siya ng isla mula sa malayo ay sinikap niya na makarating doon sa kabila nang galit na alon. Ginawa niya ang makakaya ngunit nang malaking alon ang humampas sa bangka na kanyang sinasakyan ay wala ng nagawa si Mirana kundi ipikit ang mga mata at nagdasal na sana ay hindi pa iyon ang huling araw ng kanyang buhay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD