Nanginginig ang buong kalamnan ni amvin dahil sa sobrang gigil at galit na nararamdaman. Nagaalab ang kanyang mga mata habang nakatingin sa daan at nagmamaneho. "Pare! Gusto ko pang mabuhay ng matagal...pwede ako na lang magdrive?" untag sak anyang tabi ni angelo. "Shut up angelo! Siguraduhin mo nal ang na tama ang direksiyon na tinutungo natin kundi pati ikaw malalagot sa akin....hayop na leandro yan...akala ko'y tumigil na! Baka magilitan ko ng buhay yan ng dis-oras pag nakita ko talaga yang gago na yan! Hayop siya kinuha niya ang anak ko! Hayop siya!" Nanggigil niyang saad na kinatahimik ng katabi at nagconcentrate nal ang sa mga contacts niya. Maya ay tumunog ang celphone ni angelo...si shawn ang tumatawag...