Nakangiting hinahagod ng palad ni czarina ang kanyang pitong buwan na tiyan. "Baby...excited na kaming makita ka..sana mabait ka paglabas at di kasing kulit ng tatay mo..hihihi!" natatawang sabi ni czarina.. "Ey narinig ko yun huh mine? ikaw talaga! makulit ba ko?!" reklamo ng kalalabas lang ng banyo at inayos ang pagliliguan ni czarina na si amvin. Lumapit ito sa nakaupo sa sofa na si czarina at niyakap ng buong lambing ang asawa. "No mine...hindi ka makulit..sobrang kulit lang! hahaha!" natatawang sabi ni czarina. Natatawang pinisil ni amvin ang ilong ng asawa. "Tara na paliliguan na kita..para makaalis na rin tayo maya-maya..." kayag ni