K25 - Mga Balakid NASA harap ni Cain ang babaeng nagsasalita sa audio recording na kanyang narinig kagabi. Halos hindi ito magkandaugaga sa pagpilipit ng mga daliri habang nakatayo. "Walang mahirap sa tanong ko, Miss Deliguez. Kanino mo narinig ang mga sanasabi mong tsismis na GRO ang asawa ko?" Relax na tanong ni Cain. He doesn't know why he's doing this but he is really bothered. Wala kasi siyang kaalam-alam na pinagpi-pyestahan ang pribadong buhay ni Hermione sa opisina. At hindi siya natutuwa. Kahit na malaki ang hinampo niya, sa puso niya ay malaki ang puwang na nakalaan para roon. At hindi siya papayag na ang asawa niya ang pagpupulutan ng mga pipitsuging emplyado nila. Damn. Sumasahod ang mga ito sa kumpanya niya. Kung wala ang kumpanya, wala ang mga tsismosang ito rito. "N-Nar