K22 - Mga Pagbabago SINADYA niya na lumabas ng maaga. If he has work to finish, he'll do it at home. Kailangan niyang maabutan si Hermione sa bahay. Wala sana siyang pakialam kung hindi niya maabutan pero parang siya rin ang mahihirapan kung hindi niya susundin ang sarili niyang gusto. "Jane, I'll be out early. Starting today, 4:45 P.M ako lalabas parati," paalam niya sa sekretarya nang kabigin niya ang pinto. Halos hindi pa rin siya maka-move on sa sagutan nila ni Leonardo kanina, pero hindi na bumalik pa ang ama niya sa opisina at hindi na sila nagkita. "Yes, Sir. I'll note that," ani naman ni Jane. "Just call me if there's something important," bilin pa niya saka ito tumango. Dumiretso siya sa pag-alis, walang lingon. Habang naghihintay siya na bumukas ang elevator ay siya namang