K13 - Matapang na Asawa SHE read the message from the invitation. Ang bilin ni Cain, pumunta sila ni Hunt sa opisina dahil doon pupunta ang sikat na designer ng mga Castelloverde. Ang oras ay alas nueve. Iiwan na lang daw niya si Hunt kay Vivora. Tango lang ang isinagot niya roon. Tama si Carmen, napag-isip-isip niya. Kahit na baliktarin ang mundo, asawa siya ni Cain. Kahit sa huwes lang sila kasal, asawa pa rin iyon. To: Mr. and Mrs. Cain Abel Castelloverde Ibinalik niya iyon sa loob ng drawer, tapos ay tiningnan niya ang smartphone na umiilaw. Si Jane iyon. Tinanong niya ang kaibigan kung nai-stalk nito ang babae ni Cain. Friends daw ang dalawa kaya nakikita raw ni Jane ang mga posts ng babae. She opened the newest message Jane had sent her. It was a photo. It was Cain and the woma