CHAPTER 34 Buhat buhat ko si Francine sa labas. Nasa tapat lang naman kami ng pinto. Nagpapainit kami ngayong umaga. Abala ako sa paghehele sa kanya ng nagkagulo ang mga aso. Sunod sunod ang pagtahol. Kitang kita ko sa hiwang ng gate sa ilalim ang ilang sapatos na panay ang sipa sa gate. Tumindig ang balahibo ko. Mahigpit ang kapit kay Francine. Inatake na ko ng kaba. Nagsimula ng magising at umiyak ang anak ko dahil sa ingay sa paligid. Mabilis akong tumalikod sa gate para kunin ang cellphone at magtawag ng tulong. Ilang hakbang palang ang nagagawa ay nagsalita na ang tauhan ni Madam V. “Kapag hindi ka sumunod sa napagkasunduan. Paulit ulit itong mangyayari. Baka bukas sapilitan ka na naming kunin!” Natigilan ako. Lumingon sa gate. Kahit nanginginig ang buong kata