CHAPTER 32 NAALIMPUNGATAN ako ng marinig ang mahinang bangayan ni Monica at Leandro. "Shut the f**k up! Kanina ka pa ha." "Umamin ka na kasi! Tsaka wag mo lakasan ang boses mo, magigising si buntis!" Too late, gising na ko. "Hindi pa kayo tapos magaway? Kanina pa yan bago ako matulog." Tumahimik ang dalawa sa sinabi ko. Nagpalinga linga ako sa paligid. Inumaga na pala kami sa byahe. "Batangas na ito? San tayo dito titira Monica? May kakilala ka ulit dito?" "Dito nakatira yung isa naming kaibigan ni Sabelle. Seaman naman yun kaya palaging wala sa bahay nila. Pero ngayon kasi naka baba siya. Kaya andyan. Pero sasampa na daw next week kaya makitira muna tayo." "The hell?!" si Leandro. "Bibig mo!" si Monica. "Bib