CHAPTER 16 MAHIGPIT ang pagkakahawak ko sa strap ng aking bag habang nililingon ko si Francis na pinagmamasdan naman akong naglalakad palayo. Nakapamulsa ito habang nakasandal sa poste. Matiim ang tingin sakin. Bumuntong hininga ako at naglakad ulit hanggang sa hindi ko na siya matanaw sa bawat paglingon ko. Bago niya ako ihatid samin ay napagusapan na namin na ipagpapatuloy ang relasyon kahit ipagbawal ng pamilya. Pumayag ako hindi dahil sa gusto ko parin na maging kami kundi may parte sakin na nahihirapan na makita itong tuliro at halos mabaliw kapag sinabi ko ang ideya ko na wag na lang kaming magpatuloy. “Leila!” Biglang nanubig ang aking mga mata ng makitang tumatakbo si Nanay para salubungin ako. Pasimple kong inalis saking daliri ang s