CHAPTER 13
“ASAN na daw kapatid mo? Uuwi na ko, pwede naman daw umuwi na eh.”
Tanghali na. Sinabihan kami ng class president na pwede ng umuwi ng maaga dahil patapos na rin ang ilang programs ngayong araw.
“Sabi ko magkita kami dito sa tapat ng Grade 8 Building eh, ewan ko ba’t antagal lumabas.” Nagpalinga linga pa ko. Kasi sabi ni Paolo lalabas na siya sa buliding.
“Una na ko ha? Aalis kasi si Nanay mamaya, sasama ako.”
Pagkatapos ko tumango ay umalis na rin ito.
Me:
Pao! Sabi mo lalabas ka na. Nasan ka ba?
Isinilid ko ang cellphone sa bulsa. Natanaw ko si Francis na nakaakbay sa kapatid at nagtatawanan pa sila.
“Ate!”
“Ba’t kayo magkasama? Tsaka ba’t ang tagal mo lumabas, sabi mo saglit ka lang.”
“Ang cool pala ni kuya, ate!” si Paolo. Hindi pinansin ang reklamo ko. Nagtinginan sila ni Francis na parang may sikreto tinatago.
“Anong sinasabi mo diyan? Anong pinagusapan niyo ng kapatid ko?” sita ko kay Francis.
“It’s boys talk.” Nagkibit balikat lang ito at lumapit na sakin.
Nagtaas ako ng kilay. Bumaling kay Paolo.
“Anong pinagusapan niyo?”
“Huwag ka ngang chismosa ate. Sabi na nga ni kuya na pang boys lang yun! Uuwi na ko!” umamba na itong aalis.
“Kumusta na sila Tatay at Nanay? Hindi sinasagot ni Nanay ang tawag ko kanina. Tsaka ba’t ikaw di rin makontak!”
Humarang ako sa harap niya.
“Namahinga na yung cellphone ko ate. Ayaw na umandar. Tsaka kinuha ni Tatay yung cp ni Nanay. Okay lang sila. Mainit parin ulo katulad ng dati. Magiging okay din yan! Di ka matitiis nun. Di bale ibi-build up ko si Kuya kay Tatay para di kayo paghiwalayin.”
“May sinabi ka talaga dito ano? Ba’t kampi na ‘to sayo?” tumingin ako kay Francis ng may pagdududa.
Itinagilid nito ang leeg at nagkibit balikat.
“Ayaw niyo talagang sabihin sakin ah.”
“Oo! Kaya uuwi na ko. Bye!”
Nilagpasan kami ni Pao at kumuway habang nakatalikod samin.
“Tapos na ko.. You want to go somewhere?” tanong ni Francis habang nakaakbay sakin.
Tumingala ako sa kanya. Nanliliit ang mata. “Saan ‘yan? Hoy, di ibig sabihin na alam na ng lahat na boyfriend kita, eh kung san-san mo ko dadalhin ano!”
“Huh? Ikaw nga tinatanong ko ba’t ganyan sinasabi mo? Baka ikaw nagiisip niyan.” Nakangisi pa ang loko. Napahiya naman ako ng kaunti pero agad namang nakabawi.
“Syempre malay ko! Patay na patay ka sakin, malay ko kung san mo ko dalhin diyan.” Sinimangutan ko siya. Humalakhak lang ito sabay hinawakan ang kamay ko.
“Uy, Torillo! Congrats!” bati ng ilang kakila ni Francis ng nadaanan kami pagkatapos ay ngumiti sila sakin. Tumango lang ang nobyo. Samantalang ako ay naiilang kaya pasimple kong tinatanggal ang balikat sa pagkakaakbay ni Francis pero lalong diniinan nito ang braso kaya di ko maalis.
“Ba’t ba palagi mong gustong lumayo sakin? Di ka ba naga-gwapuhan sakin? Para kang diring diri.” Salubong ang kilay niyang tanong sakin.
“Naiilang ako. Hindi naman ako sanay na ganito tayo sa school.” Paliwanag ko ng hindi makatingin sa kanya.
“You’ll get used to it.” Naiiling pa bago hawak kamay kaming naglakad palabas sa school.
“Maganda yan ineng. Kapag binili mo dalawa 1500 na lang. Ayan, tig isa kayo ng nobyo mo.”
Nanlumo ako sa presyo. Wala akong ganong pera.
“Ha? Uh, pano kung kunwari po isa lang?” napangiwi at nahihiya kong tanong sa tindera.
“900 isa niyan. Class A nga lang pero maganda naman yan water proof pa.”
“Gusto mo ba?” nakangiti pang tanong sakin ni Francis habang sinisipat ko ang rose gold na casio watch sa istante. Nilingon ko siya at pasimpleng umiling. Ibinuka ko ang bibig at sinabing WALA-TAYONG-PERA ng walang boses.
“Uh, hindi na po. Parang hindi maganda sa wrist ko yan ate. Salamat na lang! ” Nakangiti kong sabi sa tindera sabay hawak sa kamay ni Francis at hinila palayo sa lugar dahil nakita ko ang pagsimangot ng tindera sa sinabi ko.
“You like that watch.” Nakatitig ng matiim si Francis.
“Yeah, I like that watch.” Pang gagaya ko sa boses niya. Kumunot na lang ang noo nito sa sinabi ko kaya napatawa ako.
“Bakit may pera ka ba diyan para ipilit mo sakin na gusto ko ‘yon? Hindi ko gusto yun! Ang mahal.”
Tumango lang ito at ngumiti.
“Ang mabuti pa libre mo kong fishball! Nagugutom na ko ka-pasyal natin.” Natanaw ko ang food stall malapit sa simbahan.
Nakangiti pa ko habang sabay kami ni Francis na tumutuhog ng fishball sa kawali. Kumuha ako ng isang isaw at nilagay sa plastic cup niya. Naglagay din ako ng para sakin. Narinig ko ang pagreklamo ni Francis sa tabi habang abala ako sa pag mix ng sawsawan namin.
“Hindi ako kumakain niyan,” si Francis habang tinititigan ang nailagay kong isaw sa cup niya. Inabot ko sa kanya ang cup na may inumin. Naglakad kami palayo sa food stall at huminto sa gilid ng kalsada para kumain.
“Ano ka ba! Masarap yan. Favorite ko nga ‘yan eh’. Tsaka libre ko yan sayo tsaka ito. Share tayo sa gastos.” Nginuso ko sa kanya ang inabot kong palamig. Bakas sa mukha nito ang disgusto sa isaw kaya natawa na lang ako at kinuha iyon. Hindi ko ata siya mapipilit kumain nito. Di bale akin na lang!
“Masarap diba? Alam mo tuwang tuwa ako kumain ng mga ganito,” sabi ko sabay itinaas at winagayway ang paborito kong isaw na nababalot sa harina. Natawa akong muli sa reaksyon niyang napangiwi dahil sa pagkain ko ng isaw.
“Hello kuya! Can I have 5 fishballs and 5 small eggs din po? ”
Napabaling ako sa babaeng balak bumili ng pika-pika. Hindi mo akalain na kakain ang tulad niya ng ganoon. Nagsusumigaw ng karangyaan ang balat at ayos nito. Nalilito pa ito kung kukuha ng cup o magtutusok na kaya nakangiting inabutan siya agad ni Manong ng plastic cup.
“Miss. Bawal po kayo kumain niyan. Mapapagalitan po ako ni Madame.” Nagkakamot pa ng ulo yung mukhang body guard ng babae.
“She’ll freakout if you tell her. So, don’t say anything. Zip your mouth and close your eyes para di mo ko makita.” Pagkatapos sabihin iyon ay tuwang tuwa itong inabot kay Manong ang cup na puro laman ay fishball at tokneneng.
Nakaramdam ako bigla ng inggit. Kailan kaya mangyayari na kaya ko ng bilhin lahat ng gusto ko?
“Ang ganda niya..” sabi ko ng wala sa sarili. Kinalabit ko si Francis dahil busy ito kakatusok ng fishball niya.
“Tignan mo, chix o..” bulong ko na may halong panunukso sa nobyo. Pinagmamasdan ko siyang nagangat ng tingin at luminga linga sa paligid.
Napakunot noo ako sa ginawa nito. Mahinang tinampal ang braso.
“Ano ba ginagawa mo? Ayun o! Si ate—ay! Ayan paalis na siya.”
Sabay namin itong tinignan na pupunta na sa sasakyang nakaparada sa kabilang gilid ng kalsada.
Napanganga pa ako ng pumasok ito sa puting porsche na sasakyan.
“Wow..” manghang mangha ako sa nakikita. Sumubo pa ko ng fishball habang pinagmamasdan itong papaalis.
“Tss.. Yun lang? San maganda dun? Tsk!”
Nakasimangot akong bumaling sa kay Francis.
“Hindi ka nagagandahan don? Ang ganda! Ang kinis! Halatang di pinapalamukan ng mga magulang niya yon! Ang puti! Elegante! Halatang naliligo sa gatas yun eh. Di tulad ko, panay kagat ng lamok tapos kagagalitan pa ko ni Nanay dahil parang kasalanan ko pang kinagat ako.” Napairap ako sa huling sinabi. Lumunok muna bago tinapon ang plastic cup sa basurahan at muling nilapitan ang nobyo.
“Her face and body is just normal for me.”
Nanliit ang mata ko sa sinabi niya. Tss.. sinungaling porket andito ako kaharap niya.
“Sus! Kasi ako yung maganda sa paningin mo ganern? ” Inipit ko ang buhok sa kabilang tenga at nagpacute. “Alam ko na yan! Diyan mo nga ko nakuha sa kaka-bola mo shaken eh.” Biro ko sa pasalitang kunware naka-imaginary braces.
Humalakhak ito sa sinabi ko. Natatawa ko itong tinapik sa sikmura.
“Okay lang kung maka-appreciate ka ng maganda. Di naman ako selosa noh!” I rolled my eyes pagkatapos kong sabihin iyon.
“Uh, huh?” sabi niya habang nakataas ang kilay at nakangisi. Hindi kumbinsido saking sinabi.
“Ako nga nagagandahan dun eh’. Nakakatomboy tignan!” Hirit ko pa sabay tawa. Napahinto din ng nakita ang seryosong mukha ng nobyo. Inilapit nito ang mukha sakin sabay bumulong.
“I’ll make you remember your gender and fvck you so hard tonight.”
Agad na namula ang mukha ko dahil sa sinabing iyon ng nobyo. Ngumisi ito sakin habang ang isang kamay nito ay hawak ang bewang ko. Pinisil pa nito iyon para tuksuin pa lalo ako.
“Bibig mo! May makarinig sayo diyan! Sabihing... malibog ka pa..” mahina pero may gigil kong bulong sa kanya. Humalakhak na lumayo sakin si Francis habang palinga linga ako sa paligid para malaman kung may ibang taong nakarinig samin.
“Hindi ito aabot hanggang hapunan. After this, let’s go to La Terasa." aniya habang mahigpit na hawak ang kaliwang kamay ko. Ang La Terasa ay isa sa mga atraksyon sa lugar namin. Maganda duon dahil nagmimistulang city lights ang tanawin kapag gabi. Ito pa lamang ang unang pagkakataon na mapupuntahan ko iyon ng kasama siya.
"Eh, madilim na baka gabihin tayo masyado. Anong oras na ba?" tanong ko sabay sipat ko sa cellphone.
"O! 6pm na eh."
"Ngayon lang naman ito, hindi mo pa ko pagbibigyan? Hindi naman tayo palaging nakakapasyal."
"O sige na nga! Basta 1hour lang tayo dun ha!" pinanlakihan ko siya ng mata. Kahit sinabi ko na may palugit ay pakiramdam ko hindi rin iyon matutuloy dahil mahilig itong humirit. Nakita ko siyang huminga ng maluwag at hinayaan ko siyang higpitang hawakan ang aking kamay.
Nagtricyle lang kami papunta duon. Nauna na akong bumaba at bumungad sakin ang malaking karatulang Welcome to La Terasa.
"Let's go?"
"Mukhang pasmado kamay natin ah! Naghuhugas ka ata ng kamay kahit pagod? Hindi naman ganito ‘to dati eh?" Takang sabi ko at sinipat ko ang palad niya.
Pagkatapos kasi magikot ay napagpasya na kaming kumain ng dinner.
"Uhh.. O-o, wag mo ng pansinin ‘yan, halika na umorder na tayo." Tinawag niya ang waiter at umorder kami ng sinigang at sisig para sa ulam. Pinili niya ang macaroni salad bilang dessert pero dahil sa ayaw ko ng amoy ng mayonnaise ay nagtry na lang kami ng make your own halo-halo. Kaya panay ang sita ko sa kanya ng makitang napaparami ang lagay nito ng asukal at evarporada! Mahilig talaga ito sa matamis.
Pagkatapos namin kumain ay nagyaya na itong maglakad lakad para naman daw bumaba ang kinain namin.
"Te-teka! Kita mo yon! Walang tao, sure ka? dadaan tayo sa bridge?" hinatak ko ang kamay niya dahil sa takot na tumuloy kami sa paglalakad.
"Why? You’re with me. Ayaw mo ba? Masosolo natin yun! Siguro wala lang masyadong tao ngayon. C'mon!" hinila niya akong muli at inakbayan na lamang.
Mahigpit ang kapit ko sa uniform niya. Takot din kasi ako maglakad dahil umuuga! Pero kung katulad naman ni Francis na matigas ang dibdib at braso ay pwede na! Atleast libreng tsansing!
Narinig ko pa itong humahalakhak habang ako ay nagpipilit sumiksik sa dibdib niya.
"O! o! wag kang masyadong dumikit baka mamaya di ako makatiis dito kita sasambahin!" Umalingawngaw ang malakas na tawa nito kaya sinapak ko ito sa braso. Hinalikan niya ako sa noo bago muling inakbayan.
Nakarating kami sa dulo kaya nakahinga ako ng maluwag.
"Mamaya! Dun tayo sa hagdan ha! Bakit kasi pinili pili mo pa yang tulay may hagdanan naman e.." Pagmamaktol ko. May hagdanan kasi na pwedeng daanan kapag ayaw mo gamitin ang bridge.
"I like it there, pakiramdam ko kapag nandon tayo ako lang ang kailangan mo. Sakin ka humugot ng lakas. I-I… want to be the center of your world. Because that's what you are to me. I wish you could feel the same way too…" Malamlam ang mga mata niya akong tinignan. Para na naman akong lulunurin sa klase ng kanyang tingin.
"Sus ang drama naman nito! Nambobola pa!" Patawa tawa pa ako habang tinusok tusok ito sa tagiliran. Umiling iling na lang ito habang nakasimangot.
"Napipikon ka na naman. Oo na, kahit hindi mo sabihin sayo ako kumukuha ng lakas. Mahal na mahal kaya kita. Kaya nagpapasamat ako na andyan ka para sakin." nakangiti kong sabi sa kanya at mabilis ako nitong hinalikan sa labi.
"That's all I want to hear."
"Asus! Pabebe boy. Halika na nga at nangangawit na ko kakatayo!"
Iginaya niya ako sa may tapat ng railings kaya manghang mangha akong sumampa sa may bakal para malanghap pa ang sariwang hangin.
"Ang ganda talaga dito! Ang sarap ng hangin diba!" tuwang tuwa ako habang itinaas pa ang aking dalawang kamay. Kitang kita ko ang mga ilaw na nagmumula sa mga bahay na nagmumukha ng miniature sa paningin ko.
Nilingon ko si Francis at nahuli ko lang itong nakatitig sakin.
"Bakit?" nakangiti kong tanong sa kanya. Pumalibot ang mga braso nito sakin at inamoy ang aking leeg. Pag ganito siya, alam kong naglalambing ito.
"Bakit?"
Huminga ito ng malalim. Bago ako tingnang muli sa mga mata.
"I-f.. if I'm going to spend the rest of my life with you. Would you accept me? I want to be with you forever… I'm.. I'm s-scared that you might run away... I want you to be mine sweetheart.. When I say mine.. I mean legally mine.." sabi niya sabay labas ng gold ring na sa tantya ko ay may kamahalan.
"Will you marry me?"
At dahil duon ay unti-unting naglaho ang ngiti sa aking labi..
Hindi ako makakilos, para lang ako naestatwa sa harap niya.
"B-baka nabibigla ka lang? Bata pa tayo Francis.." saad ko. Nakita ko ang pagrehistro ng pagkadismaya sa kanyang mukha. Pero agad iyong napalitan ng determinasyon.
Umiling-iling ito na animo'y desidido at matagal na nitong pinlano ang ganito.
"Kahit kailan, 'di ko naisip na gawing biro lang ang alukin ka ng kasal. Seryoso ako, ikaw lang ang gusto ko makasama hanggang sa pagtanda ko. Hindi ko nakikita ang sarili ko na kasama ang iba. I'll do anything, everything for you… You don't know how crazy I am with you. Sweetheart, I love you so much. Please, please accept me..." ang mga mata nito ay puno ng pagsusumamo na ako ay mapapayag. Panay ang pagtaas-baba ng dibdib nito tanda ng mabilis na paghinga. Marahil ay sa sobrang kaba.
Tinitigan ko siya ng may pagmamahal, ang mga mata nitong kulay abo na sa tuwing tinitigan ako ay parang ako na mga ang pinakamagandang babae na nakikita nito. Natural na mapupula ang labi. Matangos na ilong na kung tutuusin ay nahahawig sa mga espanyol na actor na kilala niya. Siya, siya ang lalaki na gusto ko na ring makasama pag tanda. Siya na kahit anong mangyari ay hindi aalis sa aking tabi. Siya, na mamahalin ako ng lubos. Siya na ang lalaking nararapat sa akin.
"S-sweetheart, Don't make me nervous please.. I'm sweating and a-nd it's really hard to breath right now. Oh s**t!" aniya sabay napahilamos sa mukha dahil siguro sa kaba.
Napangiti ako sa kanyang sinabi. Unti-unti akong naluluha at kahit alam ko na napakabata ko pa para sa bagay na ito. Hinding hindi ko sasayangin ang pagkakataon na mahalin ako ng isang tulad ni Francis. Bakit ako maniniwala sa sabi-sabi ng ilan na kapag kayo, kayo. Gagawa ng paraan ang tadhana para muli kayong magkasama.
Ngunit para sakin, bakit ko aantayin iyon kung nandito na sa harap ko? Abot kamay ko na, pakakawalan ko pa ba?
"T-teka! Bakit ka umiiyak? S-sorry, sige hindi na kita pipilitin. I'm sorry.. I'm sorry.. sweetheart. Shhh, don't cry baby.." Kinabig niya ako at niyakap ng mahigpit. Gumanti rin ako ng yakap at mas lalo ko pang hinigpitan iyon.
"I'm crying b-because.. I'm... I'm happy. Francis, hindi mo kailangan magmakaawa para lang sa sagot na gusto mong marinig.."
Narinig ko ang pagsinghap niya kasabay nito ang paglayo niya ng ka-unti sakin para titigan ako sa mga mata. Nakangiti lang ako sa kanya habang unti-unti ng tumango bilang tanda ng p**o-o sa proposal niya.
Lumiwanag ang mga mata nito at hindi mapagkakaila ang labis na tuwa.
"You m-mean?"
"Yes! Yes! Oo payag na ko!" sabi ko sabay tawa. Muli niya kong kinabig para yakapin at pagkuwa'y siniil ng halik sa labi.
Nagmamadali nitong isinuot sa akin ang singsing. Nakangiti pa ko habang pinagmamasdan siyang isinusuot sakin iyon.
"Pero hindi pa ngayon ang kasal ha? Magtatapos muna tayo bago yun."
"That's fine with me, I'm willing to wait. Oh God! So… you’re my fiancee now? Soon to be Mrs. Torillo.." Parang baliw na nakangiti ito pagkatapos iyong sabihin.
Sunod sunod ang aking pagtango habang umiiyak na nakatingin sa kanya. Masaya ako na mayroon ng kasiguraduhan ang relasyon naming ito, na umabot na sa ibang lebel ngunit aminado ako na marami pa kaming pagsubok na haharapin. Marami pa kaming bigas na kakainin dahil masyado pa kaming bata para tuluyang tuparin ang pangarap naming maging isa ng legal sa batas.