CHAPTER 47 NAKASIMANGOT ako habang akbay ni Francis palabas sa elevator. “Hindi na ko maniniwala sayo. Tawa pa. Nakakatuwa talaga,” asar kong sabi. Paano, nakailang beses ba naman kaming nagtalik bago ito nagdesisyong magbihis. Gusto ko pa naman sanang umalis ng maaga dahil excited akong gumala! “Don’t seduce me then.” aniya sabay tawa. Inismiran ko siya. “Kapal mo, uy! Hindi kita sine-seduce noh!” Siniko ko siya sa sikmura. “You sure? Patay tayo diyan!” sabay halakhak. Napairap na lang ako sa kawalan. Umalerto ang security niya ng lumabas kami. Pagkarating sa parking ay itinuro ko ang Ferrari. Sumenyas si Francis. Lumapit ang isa sa mga security niya at ibinigay sa kanya ang susi.