CHAPTER EIGHT

1106 Words
"MAY hinala na ako noong bagong dating ka rito. Ngunit hindi ko rin akalain na totoo. Itago mo iyan sa walang nakakaalam, Bryce. Dahil kagaya ng sinabi ko ay may plano ang mga kapatid ko about DNA test." Tinig ng tiyuhin ang pumukaw sa kaniyang naglalakbay na tinig. "Kung si Papa lang ang tunay na anak ni Grandpa. Ibig sabihin ay kayong tatlo nina Andrew at Manuel ang magkakapatid. Pero bakit ibang-iba ka sa kanila?" tanong ng binata. 'Malas mo kung pakitang tao lamang ang ipinapakita mo sa akin. Dahil wala kang mapapala. Tsk! Tsk! Wala naman kasi kayong kakuntentuhan sa buhay eh!' Lihim siyang nagngitngit dahil sa kaisipang iyon. "Bryce, ang tao ay maaring ihalintulad sa ating mga daliri. Hindi magkakaparehas, 'diba? Ganoon din ang mga tao. Nasa iyo na kung maniwala ka o hindi. Mauna ka ng lumabas. Ngunit siguraduhin mong walang makakakita sa hawak-hawak mo. Dahil siguradong gagawan na naman nila ng issue." Pagtataboy nito sa kaniya. 'Is this a trap or something else? O siya mismo ang nagtutulak sa akin sa pain? F*ck! Patunayan mo kung gaano kabangis ang iyong pangalan, self! Paano mung siya ang maunang lalabas at ikulong niya ako rito? Huwag kang magpadalos-dalos. Tandaan mong magkakapatid ang mga iyan.' Pangaral niya sa sarili. "Ganito na lang, Uncle. Sabay tayong lalabas at kahit pa may makakita sa ating nanggaling dito ay walang kaduda-duda. Kapag may magtanong ay sabihin nating nagpang-abot lamang tayo rito," saad na lamang niya. 'Gag*! Hindi mo ako maiisahan! Hah! Malay ko ba kung planted mo lang din ito! Tsk! Si Grandpa lang din ang makakasagot sa akin!' aniya sa isipan. Kahit kating-kati na ang palad niyang sapakin ito. "Sure, Bryce. Okay, let's go," tugon nito. Kaya naman ay wala na silang sinayang na oras. "AKALA ko ay tanggap ko ng aalis ka, anak. Pero--- Mag-ingat ka sa iyong pupuntahan. Huwag kang tumulad kay bunso na palaging mainit ang ulo," ani Aling Maria. Nasa centro sila ng probinsiya dahil silang mag-anak ang naghatid sa panganay na papuntang Manila dahil flight na nito. "Mama, abay mas maganda na iyong magalit din siya paminsan-minsan. Jusko, binabaril na po sa Luneta ngayon ang masyadong mabait. Pero, teka lang, Mama. Natural naparehas sana kaming hot headed dahil iisa lang ang dugong nananalaytay sa amin ni Ate MayMay. Iyan ay maliban na lang kung ampon ninyo ako ni Papa," nakatawang wika ng bunso o ni Precious. Subalit nagmistulang nasa kabahayan dahil bigla itong tumayo at nagtago sa likuran ng ama. "Ikaw naman kasi, bunso. Kita mo namang kamukhang-kamukha mo si Mama eh. Panira ka ng pag-eemote," nakatawa na ring sambit ni Rico. "Wala namang patay, Kuya. Pero itong si Mama ay naiiyak. Eh, aalis lang naman si Ate MayMay. Ibig sabihin ay babalik din balang-araw. Eh, sa timid ng boses niya dapat ganoon din ang kalooban," giit pa nito. Kaso ang ama naman ang namingot dito. "Ikaw na babae ka ay hindi mo na pinipili ang lugar kung magbiro ka. Aba'y bus terminal ito hindi sa palayan o sa bahay. Natural na malungkot tayo dahil nga kamo aalis ang Ate MayMay ninyo. Kahit pa babalik ay taon ang pagitan. Hindi kagaya sa mga destino niya rito sa probinsiya na araw lang," sabi nito nang bahagyang napingot ang dalagita. "Backfired ang tawag diyan, bunso." Panggagatong pa ni Haenna Mae habang nakatawa. Subalit sa kaloob-looban niya ay umiiyak na rin. Dahil talaga namang iyon ang unang pagkakataon niyang lalayo outside the country. Hindi sila mayaman ngunit hindi rin matatawag na mahirap. Middle-class family sila. "Miss, sino ang pasahero sa inyong lima?" tanong ng unipormadong conductor. "Ako, Kuya. Bakit?" balik-tanong ng dalaga. "Ah, magpaalam ka na sa pamilya mo dahil aalis na tayo. Nakaayos na ba nag bagahe mo, Ma'am?" muli nitong tanong. "Nandito pa, Kuya. Itong dalawang maleta," aniya bago hinarap ang magulang at kapatid. "Saglit lang po at ilagay muna namin ang maleta ko," aniya saka sumunod sa kundoktor. Then... "Magpakabait ka roon, anak. Huwag na huwag mong kalilimutang magdasal," ani Aling Maria. "Alalahanin mong ibang bansa iyon, anak. Kahit hindi mo inamin sa amin ng Mama ninyo kung saan mo kinuha ang perang ginasto mo ay alam ko. Kaya't iyon nag unahin mong bayaran. Huwag mo kaming alalahanin dahil mas marami kami kaysa ikaw na mag-isa lang doon," pahayag naman ni Mang Jacob. Kaya naman ay yumakap na lamang ang dalaga sa mga magulang. "Ate, sabi nila at sabi ko ay kung karapatan mo ay iyong ipaglaban. Huwag kang papaapi roon. Sakalin mo kung may itchy bitchy sa iyong daan." Ano ba iyan, Precious! Aalis na nga ay gagawin gagawin mo pang murderer! "Ako na nag maghatid sa iyo sa taas, Ate. Ang babaeng iyan ay talaga ng walang matinong lumalabas sa bibig." Napatawa na lamang din ang binatilyo bago humarap sa kapatid. Still, yumakap pa si Haenna Mae isa-isa sa magulang at kapatid bago umakyat sa loob ng bus. "Querido Señor, Rezo por un viaje seguro en coche hoy. Por favor, manténgannos seguros en estas carreteras concurridas, así como a los demás con quienes las compartimos. Como conductor, dame el discernimiento para saber cuándo tomar descansos y así no llegar a mis límites. Envía a tus ángeles para que nos rodeen y nos protejan hasta que lleguemos a nuestro destino final. En tu nombre, oro. Amén. ("Dear Lord, I pray for safe travel today. Please keep us safe on these crowded roads as well as the others we are sharing it with. As the driver, give me the discernment as to when to take breaks so that I do not push myself to the limit. Release your angels to surround us and protect us until we get to our final destination. In your name, I pray. Amen.)" Nang natapos na siyang nagdasal ay sumandal na rin siya sa upuan. Gusto niyang matulog. Dahil ilang araw din siyang naging busy at walang maayos na tulog. MADRID SPAIN Hawak-hawak ang mga documents ay nagtungo si Bryce Luther sa oposina ng abuelo. Gusto niya itong makausap ng sarilinan. Kaso! Habang nasa hallway siya ay may naririnig siyang boses. Subalit dahil wala naman nakikitang tao ay nagpatuloy siya. "Niloloko ba ako ng aking taenga? Aba'y mas lumilinaw sa aking pandinig ang tinig. Ibig sabihin nasa paligid lang sila?" tanong niya sa kawalan. 'Baka trap lamang din ito. Baka imbes na may makuha akong impormasyon ay tuluyan ng mahulog sa bitag nila.' "F*ck! Tama! Bakit nga ba hindi ko agad-agad naisip ang tungkol doon!" Kuyom ang kamao niya ay mas naging maagap siya. At sa kaisipang iyon ay nagmistula siyang magnanakaw. Naglakad siya at sinundan ang boses. Kaso nais naman niyang manakal ng tao sa narinig!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD