"WHO'S that man, bro? Kulang na lang araw-araw ko siyang nakikita rito sa mansion ah," tanong ni Joseph sa pinsang si Matthew.
"Huwag kang maingay, pinsan. Dahil ayon sa aking imbestigasyon ay matalik na kaibigan iyan ng pinsan natin," tugon nito.
"Pinsan? Hah! Kailan pa nagkaroon ng bastardo ang mga Mondragon? Ah, mali yata ang binitiwan kong salita. Kung isa siya sa pamilya natin, bakit ngayon ko lang siya nakita? Aba'y--- No! You must be joking around again." Napailing siya dahil sa hindi kapani-paniwalang salita mula sa pinsan.
Kaso napahalakhak naman ito. Nais tuloy niyang sapakin. Wala namang katawa-tawa sa sinabi niya.
"Oh, sorry for laughing out loud, cousin. Wala ka kasi noong isinama ni Grandpa. Kaya't hindi pa kayo nagkadaupang palad," anito saka siya iginaya sa upuan.
SAMANTALA sa kinaroroonan nina Ramil at Bryce Luther.
"Kilay mo, brother. Ilang araw ka pa lang dito sa mansion ninyo ngunit mas naging makapal na yata iyang kilay mo." Nakatawa tuloy na pang-aasar ng huli.
Subalit napaubo naman siya sa isinagot nito.
"Ang sabihin mo ay nuisance ang mga taong iyon sa buhay ko. Dinaig pa ang mga tsismoso at tsismosa sa tindahan. Tsk! Tsk! Kapag ako ang mapuno sa kanila ay talagang makakatikim sila sa akin!" Nakaismid nitong ngitngit.
Kaya naman ay mas minabuti niya itong payuhan. Maaring masungit ito sa imahe ng ibang tao ngunit sila ang magkasama simula pa noong nasa Grade School sila bago nag-migrate sa France ang kanilang grandparents kasama ang kambal niyang business genius.
"Bro, alam kong mahirap tanggapin ang kapalaran mong ito. Dahil namuhay ka sa labas ng mansion ng tatlong dekada. Subalit ako na ang nagsasabing yakapin mo ng buong-puso ang katotoohanang ito. Dahil bukod sa hindi mo ito matatakasan hakbang ay Mondragon ka," saad niya.
'Alam kong makikinig sa iyo ang kaibigan mo, Hijo. Dahil ayon kay Benjamin ay sabay kayong nag-aral mula grade school hanggang sa Law School.'
'Hayaan mo po, Sir. Kakausapin ko siya ng maayos. Ngunit hindi rin ako sigurado kung mapapayag ko.'
'Nakikiusap ako sa iyo, Hijo. Dahil walang ibang magmamay-ari sa balang-araw sa lahat kundi siya at ang maging pamilya niya.'
'Sir? May mga pinsan naman po siya mula sa mga anak mo. Mas pag-iinitan siyang muli kapag---'
'No, Hijo. I will make sure of that. Muli kitang kakausapin tungkol sa bagay na iyan. At kung maaari ay dalasan mo ang pagdalaw sa mansion. Total kung hindi ako nagkakamali ay nakapasok na kayong dalawa as junior lawyers ng Madrid Court.'
Naguguluhan man ang binata ay sumunod pa rin siya sa abuelo ng kaibigang akala mg lahat ay isang ordinaryong tao.
"Saavedra, okay ka lang ba? Aba'y kanina pa ako daldal nang daldal ngunit mukhang may nabingwit ang mga mata ko sa dumaang katulong ah."
Tinig nito ang nagpabalik sa kaniyang kamalayan. Kaya naman ay napaangat at napatingin siya rito. Iyon nga, salubong ang maitim at malagong kilay.
Kaso!
"MUKHANG nagkakaunawaan kayo ng bisita mo, pinsan?" tanong ng basta na lamang lumapit sa kinaroroonan nila.
"Go away from us. You are not needed here," ismid ni Bryce. Dahil sa katunayan ay hindi niya gusto ang nagpakilalang pinsan.
Kaso ang kaibigan niyang hindi marunong magalit ay naging maagap.
"Hello, my name is Ramil Saavedra---"
"Hindi ikaw ang kausap ko. Ah, baka gusto mong dumikit sa pinsan namin dahil sa Mondragon Empire---"
Pero kung pinutol ni Joseph ang pananalita ni Ramil ay ganoon din ang ginawa ni Bryce Luther dito. Sa katunayan ay kinuwelyo pa niya ito.
"Nakalimutan mo yatang ako ang kaharap, b!tch! Ah, inisip mo bang hindi kita sasagutin dahil mula pagkabata mo ay dito ka nanirahan at nagkaisip? Isang mali at hindi kaaya-ayang salita at kilos pa ang manulas sa labi mo patungkol sa matalik kong kaibigan at hindi mo magugustuhan ang gagawin ko. Lumayas kayong magpinsan sa harapan ko bago ko kayo matuluyan!"
Kung gaano kabilis ang palad niyang humablot sa kuwelyo ng damit nito ay ganoon din sa pagbitaw. Kaya nga sumadsad ito sa sahig. Subalit dahil hindi nito napaghandaan ang hakbang niya ay nagmistula itong pinagkainan ng mais na nagpagulong-gulong.
Who the h*ll he cares, by the way!
SAMANTALA sa kabilang panig ng mansion ay hindi napigilan ni Don Luther Dale ang napahalakhak dahil sa nasaksihan.
"Mukhang nakahanap sila ng katapat, Ben. Nag-aral din ba ang tagapagmana ko ng martial arts? The way he handled them seems to be professionally," may ngiti sa labi na tanong ng Ginoo sa nakalakhang ama ng panganay na apo.
Upang protektahan ito sa ibang membro ng pamilya nila ay kinuha niya ito bilang kanang kamay ngunit ito ay lingid sa kaalaman ng lahat. Madalas niya itong kasama simula sumama sa kaniya sng apong madaling uminit ang bumbunan.
"Yes, Don Luther. Naka-dual course silang magkaibigan. Ngunit ng pagiging militar niya ay nanggaling sa sariling bulsa o ipon. Ang nanggaling sa ATM na ibinigay ninyo noon ay ang pagiging lawyer," tugon nito.
"Alam ko, Benjamin. Kahit ang pagiging matipid niya ay hindi lingid sa akin. Dahil halos ninyo ginalaw ang perang nasa iyo. Kaya ang pagka-militar niya ang naitanong ko. By the way, Ben, I'm quite interested in his friend. Well, bukod sa well mannered and educated ay very far sighted." Muli siyang napangiti at napatingin sa kinaroroonan ng mga apo.
"Nanggaling sila sa bansang Pilipinas, Don Luther. His parents migrated here in our country way back then. Ayon sa kuwento niya ay dito sa Madrid isinilang kasama ng kambal niya. Ngunit noong mga bata pa sila ay umuwi sa Paris ang mga ninuno. About their tandem? Hindi na iyan nakapagtataka dahil simula pa noong nasa grade school sila ay magkasama na. Hirap ng isa sy hirap nilang dalawa. He is truly a trustworthy person," paliwanag nito.
"MAY sumanib bang masamang espirito sa anak ko, AMA? Aba'y himala yatang nagkukulong samantalang sa ganitong oras ay nasa trabaho. Kung sinaniban man ng bad omen ay pagalingin mo na po, Panginoon ko." Napaantada si Aling Maria.
"Mama, aba'y talagang hindi kita maunawaan. Kapag nasa trabaho si Ate MayMay ay hindi ka mapakali dahil kamo bakit pa panggabi. Ngayon namamh tulog lang ng tulog ay namumurublema dahil nandifo sa bahay." Pamumuna tuloy ni Rico o ang kapatid na lalaki ni MayMay.
"Heh! Natural dahil pakatid mo iyan. Hala, tawagin mo na ang iyong kapatid at magsitulog na kayo. Huwag kayong lumabas ngayon lalo at gabi na," tugon ng Ginang.
"Opo, Mama. May pasok pa kami bukas sa centro---'
Kaso!
"Aling Maria! Aling Maria! Nasaan ang anak mong doktora? Parang-awa mo na, kung nandiyan ay hayaan mong siya ang magpaanak sa manugang ni Mang Pedring!" sigaw ng nasa labas ng gate nilang gawa sa half metal at half kawayan.
"Hinayupak na batang ito. Dinaig pa ang megaphone eh! Mamaya ay ako na naman ang pag-uusapan ng mga MARITES!"
"Ikaw, Rico, labasin mo nga ang mala-bomberong iyan at ako sa Ate mong sinaniban ng masamang espirito!"
Ngitngit na utos ni Aling Maria sa ikalawang anak o ang nag-iisang anak na lalaki.
Samantalang imbes na magalit dahil sa gulat si Rico dahil sa inang hindi magkandatuto ay napahagikgik na lamang habang patakbong palabas. Upang alamin ang isa pang megaphone o ang nangangalampag sa kabila ng oras na para sa pagtulog.
"CONGRATULATIONS, Adeng. Isang malusog na batang babae ang anak mo. Pero kahit ako ang nagpaanak sa iyo ay mas mainam na magtungo kang pagamutan para sa security purposes," pahayag ni Haenna Mae sa kapitbahay nilang nanganak na wala sa oras.
Kaso bago pa ito makasagot ay inunahan ng asawa.
"AGYAMANAK, Ate, sa pag-asikaso mo sa asawa ko. Kaso baka hindi na namin madala si Mabel sa hospital. Alam mo namang kahit provincial hospital natin dito sa Abra ay pagka-mahal-mahal na ang bayarin. May naitabi kami kaunti para sa panganganak niya at dadalhin na sana namin kaninang nag-labor. Pero siya rin ang nagsabing ikaw ang aming tawagin," paliwanag nito na kaagad ding sinundan ng asawa.
"Tama ang asawa ko, Ate MayMay. Kahit dito ako sa bahay ay maayos at malinis naman ang pag-asikaso mo sa aking panganganak. Kung natatakot ka sa maaring sabihin ng ibang tao ay kami na mismo ang magsasalita para sa iyo," anito.
Kaya naman ay bahagya siyang natahimik ng ilang sandali bagay na hindi nalingid sa mga nandoon.
"MayMay anak, tama sina Mabel at Arman. Alam naming iniisip mo ang maaring sabihin ng mga tao lalong-lalo na ang protocol na iyan. Pagiging practical ang desisyon na ito, anak. Dahil ang ibabayad nila sa overnight doon ay maari nang pambili ng diapers at gatas ng apo ko. Ikaw na rin ang nagsabing kapag walang gatas ang d*d& niya hanggang bukas ay wala na nga. Huwag kang matakot, anak. Dahil kasama mo kami." Pampalubag-loob pa ni Mang Pedring.
Kaya naman ay wala ng nagawa si Haenna Mae kundi ang sumang-ayon sa desisyon ng mag-anak. Dahil malalim na ang gabi at may ilang bahay ang pagitan hanggang sa kanilang tahanan ay nagpaalam na rin siya. Kahit ano'ng pilit nilang mag-anak na tanggapin ang doctor's fee raw niya ay wala siyang tinanggap kahit piso.
'Hindi ko nga sila napilit na magtungong hospital ang bagong panganak eh. Bakit pa nila ako babayaran ng doctor's fee? Huh!' bulong niya habang naglalakad.
Pero!
Kung kailan nasa malapit na siya sa bahay nila. Ilang dipa na lang ay makapasok na siya sa tarangkahan nila ay saka naman siya hinarang ng mga unipormadong police!
Tuloy!
Sinalakay siya ng matinding kaba sa dibdib!