CHAPTER SIX

1157 Words
"MANAHIMIK ka, Precious. Walang nakakatawa." Pigil na pigil ni Haenna ang sarili na huwag bulyawan ang bunsong kapatid. "Alam ko, Ate. Ginagawa mo iyan dahil isa kang public servant at doctor sa ating probinsiya. Subalit huwag mo akong pigilan. Dahil alam ko rin kung kailan ako manahimik at magsasalita." "Makinig kayong lahat na nandito. Kung pera ang habol ni Ate MayMay sa mga tinutulungan ay may ebidensiya ba kayong tinatanggap niya ang ibinibigay? Alam n'yo bang sa bawat gamot, pagod, pawis, at sakripisyo niya ay wala siyang tinanggap kahit kusing? Ang rason niya ay bakit pa siya ang nilapitan kung kaya namang magbayad ng doctor's fee? Imbes na tanggapin niya ang pilit iniaabot ng mga---" "Precious, ano ka ba? Maari bang manahimik ka? Hala, kunin mo na ang bag at makauwi na tayo. Siguradong nag-aalala na sina Papa at Mama." Pamumutol ni Haenna Mae sa bunsong kapatid. Siya ang uri ng taong hindi ipinagsasabi ang pagtulong sa kapwa. Ngunit kapag magpatuloy ang kapatid ay parang ikinalat na rin niya ang nagawa para sa mga nangangailangan. "Doctora Valleroz, huwag mong pigilan ang kapatid mo. Dahil isa ito sa paraan upang mabuksan ang mata ng mga taong mapanghusga. Maaring hindi mo kami matandaan isa-isa ngunit sa puso at isipan naming lahat ay kilalang-kilala ka." Pagitna ng isang unipormadong police. "Tama si Sargent Lasaro, Doctora Valleroz. Isa ka sa public servant na hindi pinipili ang tinutulungan. Kaya't hayaan mo ang iyong kapatid upang imulat sila." Pagsang-ayon naman ng kilalang tao sa kanilang barangay. "Wala akong kinikilingan sa inyong lahat. Ngunit bilang ama ng ating barangay ay masasabi kong iyan ang dapat ugali mayroon ang isang public servant. Doctora Valleroz, bilang kapitan ng barangay ay ako na ang magsasabing walang masama sa pahayag ng kapatid mo. Kaya't hayaan mo siyang magsalita," saad pa ng kapitan ng barangay. Dahil ayaw niyang mas lumaki pa ang issue o usap-usapan ay mas minabuti niyang magsalita. "MAGANDANG gabi po sa ating lahat. Ligtas na po sa kapahamakan ang mga pasyente. Maari na silang e-monitor ng barangay midwives na salit-salitang naka-duty. Tungkol po sa sinasabi ninyo ay sinadya ko po na manahimik. Dahil tulong nga po at hindi na kailangan ipamalita sa ibang tao. Huwag kayong tumulong sa inyong kapwa kung gagamitin lamang ito para sumikat. Ngunit hindi ko alam na ang pananahimik ko pala ay nagdulot ng ganitong pangyayari. Ganoon pa man ay ito ang masasabi ko. Maaring walang nakakakita at nakakarinig ngunit alam lahat iyan ng Ating POONG MAYKAPAL. Iyan lamang po at maraming salamat." Mahaba-habang pahayag ni MayMay. Umaasa siyang manahimik na ang kapatid. Ngunit sa mukha pa lamang nito ay banaag ang pagkadismaya. At hindi nga siya nagkamali dahil muli itong nagpatuloy. "Kaya't sana maging leksyon ito sa ating lahat. Maging masaya sa achievement ng iba. Mainggit man tayo ngunit huwag hayaang maging itim na inggit. Bagkus ay gawing motivation para sa pagkamit sa magandang buhay," pahayag nito saka iginala ang paningin bago dinampot ang bag na naglalaman ng iba niyang medical equipment. Hindi na nila hinintay na may makasagot sa mga nandoon bagkus ay tamihik silang lumapit sa kapatid nilang naumid din ang dila sa outburst ng bunso. Wala nga silang imikan sa ilang minutong biyahe pauwi sa kanilang bahay. MADRID SPAIN "So, what can you say about my first granchild? Maghapon natin siyang kasama rito sa Mondragon Empire. Hinayaan natin siyang makilahok sa diskusyon. Nagbahagi siya ng opinyon tungkol sa economical issues." Kay lapad-lapad ng ngiting nakabalatay sa mukha ng matandang Mondragon. Well, it's been a while since his precious grandchild is taking up business management through online. Pumayag ito na mag-aral muli ngunit ipinakiusap na ilihim sa iba lalong-lalo na sa mismo nilang kapamilya. At gagagawin din daw via online. "He pinned it all, Don Luther Dale. Kung hindi namin siguro alam na isa siyang abogado at nagtatrabaho sa Madrid Court ay iisipin naming isa siyang successful businessman," sabi ni Mr Alcaraz. "Tama si Mr Alcaraz, Master Mondragon. Dagdag puntos talaga niya ang pagkakaroon ng stage presence. Sa uri ng trabaho niya ay hindi na bago sa kaniya ang humarap sa mga tao." Pagsegunda pa ni Mr Perez. "Thank you, guys. Pero marami pa siyang dapat matutunan tungkol sa negosyo. Kayo na rin ang nagsabing isang abogado ang apo ko. He needs your guidance." Tumatango-tango siyang humarap sa mga ito. Subalit kung sumang-ayon ang dalawa sa BOD ay iba ang ilan sa mga ito. "Master Mondragon, kung hindi ako nagkakamali sa aking pang-unawa ay sinasanay mo ang iyong apo sa negosyo. Huwag mong sabihing siya ang papalit sa iyo bilang head ng pamilya Mondragon?" "Kung iyon ang sitwasyon, Master Mondragon, paano naman ang mga anak mo? I'm sorry for saying this, but are you sure that he is your grandson? Ikaw na rin ang nagsabing tatlong dekada itong namuhay sa labas ng pamilya ninyo, so paano ka nakakasiguradong siya ang panganay mong apo?" "Huwag mo sanang masamain ang mga opinyon namin, Master Mondragon. Dahil lahat tayo ay isa lamang ang concern at ito ang patuloy na pag-unlad ng kumpanya." Mga ilan lamang sa pahayag ng BOD. Kaya naman ay bumaling ang matandang Mondragon sa mga ito. "Huwag kayong mag-alala dahil isa-isahin ko kayong sasagutin. Una, walang masama kung magsanay si Bryce Luther sa negosyo. Dahil isa rin siya sa mga apo ko. Kung sino ang deserving siya ang papalit sa akin. Pangalawa, walang duda siya ang anak nina Elena at Gonzalo. Naiwan sa pangangalaga ni Benjamin Abraham. Ibig sabihin ay siya ang panganay kong apo. And last but not the least, stable ang lahat sa kumpanya. Still, I thank you for your concern." 'Wala kayong magagawa kung iyon ang nakatadhana. Andrew? Manuel? William? Who are they, by the way? They are nothing but a trying hard people. No matter what they say, I will never help them to the top,' aniya sa isipan. "Mas mabuti na ang nagkakaunawaan, Master Mondragon. Thank you sa paliwanag mo. Dahil nga nakasama na natin mula pa noon ang mga anak mo," saad ng isa. "That's an undeniable fact. Ngunit kagaya nang sinabi ko kanina ay isa ring Mondragon ang apo ko. Gusto ko ring ibigay sa kaniya kung ano mayroon ang mga nakasama ninyo," aniyang muli. SAMANTALA napaismid lamang si Bryce Luther dahil mukhang ibang move na naman ang nasa isipan ng mga mangmang at pinsan daw niya. "Your schemes will never succeed. Pero pagbibigyan ko kayo. Aba'y walang thrill ang buhay kapag puro pasarap," aniya sa hangin. Bubuksan na nga sana niya ang sasakyan nang may basta na lamang yumakap sa kaniya. Ngunit dahil sa kabiglaan ay pabalibag niya itong iwinaksi. "Ouch, it hurts, Honey. When did you become a violent person?" maarte pa nitong sabi. Tuloy! Imbes na magpatuloy sa pagbukas sa sasakyan ay hindi na. Bagkus ay hinarap niya ito. "Huwag na huwag mo akong matawag-tawag na honey, ambisyosang p*ta! Tandaan mong hindi ako pinakasalan mo! B!tch!" Ngitngit niya saka tuluyang pumasok sa sasakyan at basta na lamang itong pinaharuthot.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD