Nagising ako na nasa loob na ako ng hospital. Babangon sana ako ngunit kumirot ang ulo ko. "Aray!" Hinawakan ko ang ulo kong may benta. Dahan-dahan inikot ang tingin sa paligid. Wala akong kasama sa kuwarto. Wala akong mapagtatanungan kung anong nangyari sa akin. "Girl, gising ka na pala," boses ni Nancy. Lumabas siya galing sa kabilang pinto. Marahil ito ay bathroom. Lumapit siya sa akin. Bakas sa mukha niya ang labis na pag-aalala. "Alam mo. Hindi na maganda ang ginagawa ng Mommy ni Aldrin. Muntik ka na niyang patayin." Umiwas ako ng tingin. "Ang akala ko nga ay papatayin niya ako. Bago niya ako hampasin sa ulo nagmakaawa ako sa kanya pero hindi siya nakinig sa akin. Wala akong nakitang takot ng hampasin niya ako." "Letche na matanda na 'yan kung alam ko lang na nag-inarte lang si