"Sir. Aldrin. Herrera!" Bigla kong itinulak si Aldrin nang marinig namin ang mahinang katok sa pinto ng opisina niya. Kinuha ko ang damit kong pang-itaas at ang uniporme ko. Tumakbo ako sa banyo pagkatapos ay humarap ako sa salamin. Napangiti ako nang makita ko ang sarili ko sa salamin. Kumalat na ang lipstick ko, nagulo na rin ang buhok ko, at namumula ang leeg at dibdib ko dahil sa mga halik ni Aldrin. Kinagat ko ang labi ko. Pakiramdam ko kasi nararamdaman ko pa ang labi niya. Maging ang perfume niya ay dumikit na sa balat ko. Ilang segundo kong pinagmasdan ang sarili pagkatapos tumawa ako ng malakas. "Isang taon akong nagtago kay Aldrin. At ang hindi ko alam ay isang taon na rin niya kaming binabantayan. Ang sarap sa pakiramdam na hindi nagbago ang pagmamahal niya sa akin kahit m