"Bakit hindi mo inuubos ang kinakain mo?" tanong sa akin ni Aldrin. Napansin niyang halos hindi ko galawin ang pagkain ko sa plato. Tumingala ako saka ngumiti sa kanya. "Sorry." Pagkatapos ay sinimulan kong kumain. "Ang sarap talaga magluto ng cook natin ng spaghetti." Huminga ng malalim si Aldrin. "Love, hindi 'yan spaghetti. Pancit bihon 'yan." Napawi ang ngiti ko nang ma-realize kong pancit bihon pala ang kinakain ko. "Iniisip mo naman ba si Elisa?" Malungkot na tanong ni Aldrin. Tumango ako. "Isang araw na siyang hindi nagte-text sa akin." Tumayo si Aldrin. "Kakausapin ka rin ng anak mo kapag okay na siya. Kumain ka dahil baka magkasakit ka pa." Sinubuan ako ni Aldrin ng pagkain kaya napilitan akong kumain. "Kaya ko ng kumain mag-isa." Inaagaw ko sa kanya ang kutsara pero hi