"Jackson, magkakilala kayo ng asawa ko?" Nakakunot ang noong tanong ni Aldrin kay Jackson. Tumingin ako kay Aldrin. "S-Siya ba ang bestfriend mo?" nauutal kong tanong kay Aldrin. Pakiramdam ko hihimatayin na ako sa mga nalaman ko ngayong gabi. Para akong nakapako sa kinatatayuan ko dahil hindi ako makatakbo. Tumango si Aldrin. "Yes, Jackson is my bestfriend. Bata pa lang kami ay kaming dalawa na ang nagkakaintindihan." Tumingin si Aldrin kay Jackson na kanina pa nakatingin sa akin. Hindi ako makatingin kay Jackson dahil natatakot akong ibuking niya ako. "Paano mo nakilala si Euhanna?" Yumuko ako dahil hindi ko na matagal ang presensiya ni Jackson. Masyadong maliit ang mundo para sa akin. Bakit kailangan magmahal ako ng mag-bestfriend at pareho akong may anak sa kanila. "Euhanna is— Sh