Ilang beses kong tinitigan ang kalendaryo sa cellphone ko. Dalawang araw na lang kasi ay aalis na ako sa poder ni Aldrin. Lalayo na kaming dalawa ni Cedric. Hindi ko kasi puwedeng iwan ang anak ko sa poder ni Aldrin dahil baka saktan lang ito ng mga biyenan ko. Huminga ako ng malalim saka tumingin kay Aldrin na mahimbing na tutulog. Love, sana maintindihan mo ako. Pinunasan ko ang luha ko sa pisngi, pagkatapos ay bumangon ako para magluto ng breakfast. Ako kasi ang nagluluto ng breakfast namin. Ginagawa ko iyon para magampanan ko ang pagiging asawa at nanay ko sa kanila. "Good morning, Ma'am," sabi ng katulong namin. Nasa kusina siya at nagsisimula na siyang maghiwa ng mga sangkap. Ngumiti ako sa kanya. "Good morning." Nakahanda na po ang mga kailangan n'yo sa pagluluto." Kagabi ka